^

PSN Palaro

Telan ipinamigay sa Coke

-

Isusuot ni Mark Telan ang uniporme ng Coca-Cola sa susunod na season ng Philippine Basketball Association matapos itong i-trade ng Air21.

Kapalit ni Telan ay ang first round draft pick ng Coca-Cola sa nalalapit na draft o sa 2008 draft.

Dahil dito, posibleng maging apat ang first round picks ng Express.

Ang Coke ay ang ika-siyam na pipili sa darating na draft sa Linggo sa Market-Market sa The Fort sa Taguig.

Sa Ginebra ang ninth pick ngunit maaari nilang hindi gamitin ito matapos makipag-trade sa Coke. Kung gagamitin ito ng Gin Kings sa draft sa linggo, ang susunod na first round pick ang ibibigay ng Coke sa Air21. 

Punum-puno ng talento ang nalalapit na draft at makikinabang ng husto ang Air21 na may-ari ng tatlong first round draft picks at magiging apat ito kung hindi gagamitin ng Ginebra ang kanilang pick.

Ang No. 4, 5 at No. 8 picks ay sa Air21.

“High on our list are the big men, of course. The likes of Ken Bono, JR Quiñahan and Doug Kramer are very tempting indeed,” ani Alvarez na nagsabing patuloy ang pakikipag-usap kay  Robert Jaworski na nagbabakasyon pa sa Estados Unidos, para mag-coach ng team.  (Mae Balbuena)

ANG COKE

ANG NO

COCA-COLA

DOUG KRAMER

DRAFT

ESTADOS UNIDOS

GIN KINGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with