Suporta ng mga Pinoy asam ni Morales
Hindi lamang isang namumuong pakiramdam, pero malaki ang paniniwala ni Erik Morales na susupor-tahan siya ng mga Pinoy sa kanyang pagtatangkang agawin ang World Boxing Council lighweight title mula sa Amerikanong si David Diaz sa
Signipikante ang laban na ito dahil nais ni ‘El Terrible na maging kauna-unahang Mexican fighter na makaka-kuha ng apat na WBC weight class. Nagwagi na ito ng WBC superbantanweight, featherweight at super-featherweight category.
At hindi totoong magrere-tiro na si Morales, matapos ang kanyang kabiguan kay People’s Champion Manny Pacquiao noong nakaraang taon.
“I am honored that they (Filipinos) see me as an adopted son. In fact, aside from being a Mexican I also see myself as a Filipino because I am very much at home with their culture. I hope that their prayers are with me when I fight Diaz, ” wika ni Morales sa isang interpreter.
Inamin ni Morales, endorser ng Gran Matador Brandy Solera Gran Reserva na ang pagtatangka sa titulo ay isang hindi natapos na laban sa loob ng ring at tatangkain nitong lumaban hanggang may hamon.
- Latest
- Trending