^

PSN Palaro

Contador, kampeon sa maeskandalong Tour de France

-

PARIS--Bumangon si Alberto Contador mula sa bingit ng kamatayan upang  mapagwagian ang Tour de France, ang Cycling’s showpiece event na umaasa na makakaahon pa sa nalasap na kahihiyan sanhi ng eskan-dalong kinasangkutan hinggil sa droga.

“It’s an extraordinary joy,” wika ni Contador, na nag-collapse sanhi ng brain aneurism noong 2004 sa karera sa Spain. Hinalikan ng Spaniard ang kanyang winner’s yellow jersey nong Linggo sa podium sa likod ng Arc de Triomphe.

Ang 24-anyos na si Contador, ang hindi inaasahang mananalo para sa Discovery Channel matapos na ang dating race leader na si Michael Rasmussen ay pinauwi sa kaagahan ng Tour dahil sa umano’y pagsisinungaling nito  sa kanyang koponan at pre-race favorite na si Alexandre Vino-kourov na nabigo namang suma-ilalim sa doping test.

Ito ang di malilimutang pagba-balik ni Contador. Na lumasap ng aneurism habang pumepedal sa Tour Of Asturias at bumagsak ito sa lupa mula sa kanyang bisekleta sanhi ng kumbolsiyon. Agad din siyang nailigtas sa isang emergency suergery mula sa posibleng pagka-damage ng kanyang utak.

Nahigitan ni Contador ang leader ng kanyang Discovery Channel team na si American Levi Leipheimer, na tumapos ng ikatlo. Si Contador ang pinakabatang kampeon matapos ni Jan Ullrich ng Germany noong 1997 at kauna-unahang Spaniard na nanalo matapos ni Miguel Indurain na kumopo ng limang korona noong 1995.

ALBERTO CONTADOR

ALEXANDRE VINO

AMERICAN LEVI LEIPHEIMER

CONTADOR

DISCOVERY CHANNEL

JAN ULLRICH

MICHAEL RASMUSSEN

MIGUEL INDURAIN

SI CONTADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with