Squires matatag sa unahan
Ibinuhos ni Kevin Alas ang lahat ng kan-yang 19 puntos sa kabu-uang 30 puntos sa ikat-long yugto upang bande-rahan ang Letran Squires sa 98-80 panalo laban sa University of Perpetual Help sa 83rd NCAA juniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan.
Ang panalo ay nagpa-natili sa Squires na hawa-kan ang solo liderato bunga ng kanilang ikali-mang sunod na panalo.
Sa ikalawang laro, kumana ng career-high na may 16 puntos at 11 rebounds si Thomas Babi-lonia, anak ng yumaong dating PBA cager na si Gido Babilonia, nang igupo ng San Beda ang CSB-La Salle Greenhills, 91-73.
Sa ikatlong laban, mu-ling ginapi ng defending champion San Sebastian ang host school Jose Rizal University, 79-71.
Dahil sa panalo ng Staglets, katabla nila ang SBC Red Cubs sa 4-2 baraha para sa ikala-wang puwesto sa likuran ng Letran Squires.
Kumana ng 24 puntos si Arvie Bringas at season high 25 rebounds habang nag-ambag naman ng 21 puntos at 9 rebounds si Ryan Buenafe para sa Staglets na tumalo din sa JRU sa kanilang unang pagtatagpo, 109-96.
Nalaglag naman ang Junior Blazers at JRU Light Bombers sa 2-4 baraha.
- Latest
- Trending