Squires solo lider

Umiskor si John Noble nang siyam sa kanyang kabuuang 30 puntos upang banderahan ang Letran Squires sa maka-pigil-hiningang 111-107 panalo laban sa JRU Ligth Bombers sa 83rd NCAA juniors basketball tournament sa The Arena, San Juan.

Ang panalo ay ikaapat na sunod ng Squires na nagdala sa kanila sa solo liderato sa pagtatapos ng unang round.

Tinalo naman ng San Beda  Red Cubs ang defending champion San Sebastian Staglets, 83-73, sa unang laro at tumapos na magkatabla sa ikala-wang puwesto na may 3-2 baraha.

Nalaglag naman sa ikaapat ang Light Bombers na may  2-3 record.

Abante ang kanyang team ng isang puntos, 105-104, kinumpleto ni Noble ang three-point play sa foul ni Russel Matias may 1:16 na lang ang nala-labi sa laro.   

Show comments