^

PSN Palaro

Kuwait pinasikatan ng Nationals

- Mae Balbuena -

Nagtala ng magaan na panalo ang SMC-RP team kontra sa Kuwait, 84-68 upang ipakita ang kanilang kahandaan para sa kanilang nalalapit na pagsabak sa FIBA-Asia Championship sa Toku-shima, Japan na magsisi-mula sa July 28.

Dinomina ng Nationals ang kanilang laban kontra sa Kuwait sa Sta. Lucia Realty Mall sa Pasig para sa una sa kanilang two-game series.

Muling magsasagupa ngayon ang mga Pinoy at Kuwaitis sa Caruncho Gym sa Pasig.

Ang torneong ito ay ang final preparation ng RP Squad sa Olympic qualifying tournament sa Japan para sa kanilang pinapangarap na Olympic stints.

Ang exhibition mat-ches na ito ay ang tatapos ng final preparation ng Nationals para sa Toku-shima tournament.

Lalarga ang Nationals sa Japan sa July 25. Ka-grupo ng mga Pinoy ang bigating China, Iran at Jordan. 

  “The Kuwaitis are nowhere like the teams we are preparing for,” ani  national coach Chot Reyes. “They are small and quick while were getting ready for taller teams in Group B in Japan.”

Samantala, hitik na hitik sa talento ang draft pool sa taong ito.

Dahil dito, imumung-kahi ni PBA Commissioner Noli Eala sa mga PBA teams na gawing tatlong rounds ang 2007 PBA Rookie draft na ga-ganapin sa Agosto 19 sa Market Market sa Taguig.

Posibleng maging top pick ang dalawang  Fil-Am na sina Ryan Reyes at Joe Devance bukod pa ang UAAP MVP na si Ken Bono, at JR Quiñahan.

Kabilang si Devance sa humabol sa deadline kaha-pon ngunit hindi ito makaka-sama sa draft kung hindi niya makukumpleto ang kanyang requirements.

Ang unang pipili sa draft ay ang kulelat na Welcoat Paints at minamataan nila si Eman Samigue.

Ang iba pang inaasa-hang makukuha sa draft ay sina JC Intal, Samigue, Doug Kramer, Yousif Aljamal, Ryan Araña, Marvin Cruz, Macky Escalona at Jojo Duncil.

Ang iba pang nagpalista ay sina Edilgusto Soriano, Ronnie Zagala, Joey Mas-bang, Mark Escalano, Daryl Pepito, Kenneth Co Yu Kang, Frederick Hubalde, Donald Tadena, Melvin Mamaclay, Elbert Alberto, Khiel Misa, Alex Angeles, Mark Legarde, Ron Buenafe, Ramil Tagu-pa, Ardy Larong, Dom Javier, Gilbert Neo, Chico Manabat, Godofredo Cuevas, Jonas Villanueva, Joel Solis, Reed Juntilla, Tristan Veranga, Mark Moreno,Chris Baluyot, James Zablan, Jun Molina, Roberto Rivera, Francis Barcellano, Jeff Chan, Jeffrey Bombeo, Wynsjohn Te, Joferson Gonzales at Jose Aquino.

ALEX ANGELES

ARDY LARONG

ASIA CHAMPIONSHIP

CARUNCHO GYM

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with