DLSU malinis pa rin: UST nalo din

Wala pa ring dungis ang katayuan ng De La Salle University at naka-tikim na rin sa wakas ang defending champion University of SantoTomas ng panalo sa UAAP men’s basketball tournament na nagpatuloy sa Ninoy Aquino Stadium kagabi.

Bumangon ang La Salle sa ikaapat na quarter matapos kontrolin ng FEU Tamaraws ang unang tatlong quarter tungo sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa ga-yong ding dami ng laro para saluhan ang walang larong University of the East sa liderato.

Tumapos si Rico Maierhofer at Peejay Barua ng tig-11 puntos para sa La Salle upang ipalasap sa FEU Tama-raws ang ikalawang talo sa tatlong laro.

Nagtulung-tulong sina Francis Allera, Jervy Cruz at John Cua sa final quarter kung saan kumawala ang UST Tigers tungo sa 96-84 panalo kontra sa Adamson University.

Show comments