OLONGAPO City — Aarangkada muli sa ikalawang pagkakataon ang National Media 9-Ball Tournament 2007 sa darating na Hulyo 21-22 na gaganapin sa Jordan Billiard Hall, Olongapo City.
Nakahandang magharap-harap ang may 50-miyembro ng ma-mamahayag mula sa print, radio at television hindi lamang maki-pagtunggali sa naturang torneo kundi magkaroon ng pambihirang pagsasama-sama ang mga media practitioners sa araw ng okasyon.
Ang 2nd National Media 9-Ball Tournament ay sunod sa unang 1st National Media 9-Ball tourney na matagumpay na idinaos noong nakalipas na taon sa Subic Bay Freeport Zone.
Ang naturang torneo ay inihandog ng pahayagang The Philippine Star, Pilipino Star NGAYON at PM (Pang-Masa) na sinuportahan (major sponsors) ng Subic Bay Metropolitan Authority, Subic Bay Press Corps, PAGCOR, Global Terminal and Development Inc, (Subic), PTT Philippines Trading Corp. (Subic), Ms. Susan Grimm (Brookes Personal Care), Subic Majestic Hotel, San Miguel Brewery (SMC), Mr. Rolen C. Paulino, Atty. Noel Y. Atienza, Dra. Luigi Lipumano, Ocean Adventure, at co sponsors nito ang Autowide International (Subic) Corp., Subicwater, The Ritz Tropical Spa (Subic), Gov. Amor Deloso, Mr. Emiliano C. Canlas, Mr. Eduardo Baluyut, Mr. Lito Calingod at Ms. Christina De Leon.
Para sa mga nais lumahok, maaaring tawagan o i-text si Pilipino Star Ngayon correspondent Jeff Tombado sa telepono bilang (047) 252-4582 (0927-387-0839). May mga cash prizes at trophies na naghihintay para sa mga magwawagi. - (Jeff Tombado)