^

PSN Palaro

Aces reresbak sa Game 4

- Mae Balbuena -

Sabi ni coach Tim Cone, naniniwala siyang ang susi para makopo ang isang championship series ay manalo ng back-to-back games.

Nagawa ito ng Talk N Text na nakalalamang na ngayon sa 2-1 sa kanilang best-of-seven titular showdown para sa korona ng 2007 PBA Fiesta Conference.

Sinabi rin ni Cone na ayaw niyang ginagawang parang ‘pingpong ‘ ang serye mananalo ngayon, matatalo sa susunod, panalo, talo ngunit ngayon, kailangan nilang pa-balikin ang bola sa kanilang panig.

Ang problema, mataas na ang morale ng Phone Pals dahil sa kanilang impresibong panalo noong Game-Three kung saan nagawa nilang makabangon mula sa 23-point deficit tungo sa 95-87 panalo noong Miyerkules.

Tangka ng Phone Pals na makalapit ngayon sa titulo sa Game-Four na gaganapin ngayong alas-7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Mauuna rito, gaganapin ang Leo Awards, kung saan ihahayag ang Most Valuable Player ng 2006-2007 season na pinaglalabanan nina Willie Miller ng  Alaska, ang tinanghal na Best Player of the Conference na si MacMac Cardona ng Talk N Text, Sta. Lucia Rookie Kelly Williams, Arwind Santos ng Air21 at ang reigning MVP na si James Yap ng Purefoods.

Ihahayag din ang Mythical team, All Defensive team, Rookie of the Year, Most Improve Player at Sportsmanship award.

Muling aasahan ni coach Derrick Pumaren si Cardona at import J.J. Sullinger na siyang susi sa kanilang come-from behind win sa Game-Three.

“I never really had a doubt that we could do it (come from behind). I know what this team is capable of doing and I am very proud of the boys for showing their character,” pahayag ni Talk N Text coach Derrick Pumaren.

Kailangan namang bumawi ng Best Import na si Rossell Ellis na nali-mitahan sa tatlong puntos matapos kumamada ng 19 sa first half.

“We played too much one-on-one basketball,” sabi naman ni coach Tim Cone matapos ang naka-kahiyang pagkatalo. “This is not over. Not by a long shot. We will come back from this loss and even the series. “There’s still a long way to go.”

Samantala, pinasikatan ng matatangkad na China ang Syria maka-raang igupo ito 98-94,  sa Smart 4 Nation Manila Invitationals sa The Arena.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipaglaban ang San Miguel Pilipinas Team sa Lebanon sa tampok na laro na bahagi ng prepa-rasyon ng Nationals para sa nalalapit na FIBA-Asia Champions sa Tokushima, Japan.

ALL DEFENSIVE

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

DERRICK PUMAREN

PHONE PALS

TALK N TEXT

TIM CONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with