Bagong Pinoy champ na si Condes dumating na

Isang mainit na pag-salubong ang tinanggap ni Florante Condes, ang tinaguriang ‘Little Pac-quiao” sa Ninoy Aquino International Airport-Centennial  Terminal 2 kagabi ng alas-8 galing sa Jakarta, Indonesia.

Ang 27 anyos na si Condes ang bagong International Boxing Federation minimumweight champion matapos maagaw ang titulo sa defending champion na si Muhammad Rachman sa kanilang laban sa Ja-karta, Indonesia noong Sabado ng gabi. Pinabagsak ni Con-des ang 35 anyos na si Rachman sa ikatlo at ikasampung round ng kanilang laban na naging sapat para maagaw ang korona kay Rachman.

Hindi naligtasan ni Rachman, na nagtang-kang bumangon sa ika-apat at ikasiyam na round, ang matinding kamao ni Condes sa 10th round na nagpa-bagsak  sa kalaban at tuluyang angkinin ang korona at tanghaling bagong kampeon. (Ellen Fernando)

 

 

Show comments