ANTI-POLO City --Binigyan na ng Sta. Lucia ng go-signal ang kani-lang Fil-Am player na si Kelly Williams na lumaro sa San Miguel-Pilipinas team ni coach Chot Reyes na sasabak sa dalawang malalaking torneo bilang paghahanda sa FIBA-Asia Men’s Championships.
Gayunpaman, maka-kasama pa rin ng Realtors si Williams sa kanilang kampanya sa kasalu-kuyang Talk N Text PBA Fiesta Conference, dahil na rin sa kondisyon ng PBA na hindi nila maa-aring galawin ang Realtors para sa kanilang tsansang makasulong sa susunod na round.
Kasalukuyang nakiki-paglaban ang Sta. Lucia sa Alaska habang sinu-sulat ang balitang ito ngunit wala na silang dapat alalahanin dahil nakakasiguro na sila sa wild card phase matapos sibakin sa kontensyon ng Purefoods ang nagha-habol na Welcoat sa pamamagitan ng 109-97 tagumpay.
Nagbida sa panalong ito si James Yap na nagposte ng bagong career-high na 41-puntos, 28 nito sa second half, upang isulong ang TJ Giants sa ikaanim na panalo sa kabuuang 18-laro.
Naglaho ang 10-6 kalamangan ng Welcoat nang magsimulang mag-init si Yap sa pagbibida sa 19-4 atake para sa 25-14 kalamangan sa pag-tatapos ng unang quarter na kanilang pinalobo sa pinakamalaking kalama-ngan na 67-40 sa ikatlong quarter.
Naglunsad ng mala-king oposisyon ang Wel-coat sa ikaapat na quarter ngunit tinapatan ito ni Yap sa pagkamada ng 17-puntos katulong si Jun Simon na nagposte ng 12 sa kanyang tinapos na 16 sa likod ng 23 ni import Marquin Chandler upang ipalasap sa Welcoat ang ika-14 talo sa kabuuang 18-laro para tuluyan nang mapaaga ang bakasyon.
Purefoods 109 – J. Yap 41, Chandler 23, Simon 16, Castillo 10, R. Yap 8, Evangelista 8, Yee 2, Adducul 1, Pingris 0.
Welcoat 97 – White 29, Compton 19, Wainwright 16, Cabatu 13, Baguion 7, Gelig 5, Reyes 4, Lopez 2, Sta. Maria 2, Lao 0.
Quarterscores: 24-14; 48-31; 75-57; 109-97.