RED BULL WILL SURVIVE!
Ang mga cheerdancers daw na ito ng isang basketball team ay madalas na pumapasok sa dugout ng mga players after the game.
Dahilan nila, dun nila nilalagay ang gamit nila at dun na rin sila nakikibihis.
Naiilang tuloy ang mga players na hindi rin makapag-bihis agad.
One time, isa sa mga dancers na ito ay pilit na kinukuha ang cellfone numbers ng isa sa mga players na nakatakda nang ikasal next year sa kanyang girlfriend, na isang artista at model.
Siyempre, imbiyerna si aktres.
Sasabunutan
* * *
Nag-champion recently sa SEABA ang RP national team.
Good.
Congratulations.
Pero kahit na
Sa quality ng mga teams na ipinadala ng mga kalaban natin sa SEABA na yan, hindi pa man nag-umpisa ang liga, alam na nating ang Pilipinas ang magtsa-champion.
Sa SEA level ay walang duda na mahirap talunin ang Pilipinas.
Our big test will come in
May dapat pa nga bang baguhin sa line-up ng players at coaching staff ng RP team natin ngayon.
Base sa sangkaterbang feedback na nakuha namin mula sa ating mga readers the last time we asked that question, nagkakaisa ang maraming basketball fans na marami pang dapat palitan sa line-up ng team, mapa-players man o coaching staff.
* * *
Nawala si Willie Miller sa Red Bull at sabi nila, hihina na ang team.
Nawala rin si Lordy Tugade, at sabi pa rin nila, hihina na ang Red Bull.
In both cases, hindi naman humina ang Red Bull.
Ngayon, nawala na rin sa kanila si Enrico Villanueva at ganyan na naman ang sabi nila.
Pero ngayon, ang Red Bull pa ang unang nakapasok sa semis at maghihintay na lang sila ng kalaban habang nagbabakasyon sila for 3 weeks.
Tutuo yan, ang Red Bull lang yata ang nakita kong team na kapag hindi na masaya ang isang player sa kanila, mapa-superstar man o hindi, pinapakawalan na nila.
Ano nga naman ang saysay na isama mo pa sa team ang isang player na hindi na masayang nagla-laro sa ‘yo?
Lalo lang yang makaka-sira sa team.
Madalas din namang mangyari yan na sa umpisa, masaya sa iyo ang isang player. Kapag binigyan mo na ng break, pinasikat, pina-laki ang suweldo, binigyan ng kung anu-ano, at eventually ay naging superstar na, biglang hindi na magi-ging happy sa team.
Hay naku, ilang beses na nga bang nangyari yan?
* * *
May pera nga bang involved sa nangyaring three-way trade kina Villanueva, Romel Adducul, at Don Camaso?
May pera nga bang involved at pagkatapos lang ng tatlong araw sa Red Bull team eh agad na nalipat sa Purefoods itong si Adducul na nanggaling din sa isang SMC team?
Yan ngayon ang duda ng marami.
Magtataka pa ba tayo?
* * *
Nais lang naming maki-ramay sa pamilya na nai-wanan ng isang magaling na writer at editor at isang kaibigan, si Mr. Larry Galvez, ang aming dating sports editor sa Sports Flash magazine at kasamahan sa Crispa sportswriters basketball team nung 1980’s pa. May you rest in peace, Larry!
- Latest
- Trending