Who’s your Tito?

Nang maghanap ng taong magliligtas sa Henkel-Sista si coach Caloy Garcia matapos magkaroon ng groin injury si Fil-Am Ryan Reyes, isang pambato ng NCAA ang sumagot.

Tumipa si Fritz Bau-zon ng kabuuan niyang 14 puntos sa fourth quarter upang tulungan ang Super Sealers sa 70-59 paggupo sa San Miguel-Magnolia Beverage Masters at kunin ang isang semifinals seat ng 2007 PBL Unity Cup kahapon sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.

Sa naturang panalo, makakasagupa ng Hen-kel-Sista, may ’twice-to-beat’ advantage sa SMC-Magnolia sa quarterfinals, ang nagdedepensang Harbour Centre sa best-of-three semifinals.

Inilista ng Beverage Masters ni Koy Banal ang isang 52-42 abante sa huling 2:05 ng third period mula sa 3-pointer ni Bonbon Custodio bago ang inihulog na 15-4 atake ng Super Sealers, tampok rito ang dalawang tres ni Bauzon, para sa kanilang 62-56 lamang, 2:39 sa final canto.

Huling nakalapit ang SMC-Magnolia sa 59-64 agwat buhat sa split ni Gerard Jones sa huling 1:32 ng laro kasunod ang freethrows nina Bauzon, Lawrence Bonus at Ronnie Matias para sa 68-59 bentahe ng Henkel-Sista sa huling 17.8 se-gundo ng laro.

Sa inisyal na laro, pinuwersa naman ng Burger King sa isang ‘sudden death’ ang kanilang quarterfinal match ng Toyota Balintawak maka-raang kunin ang 73-68 tagumpay sa likod ng  17 puntos, 5 rebounds, 3 assists at 2 steals ni JR Quiñahan.

Ang mananalo sa pagitan ng Toyota, may bitbit na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals, at Burger King ang haharap sa No. 1 Cebuana Lhuillier sa semis. 

Show comments