May 29, 2007
Nanood na lamang sa tabi sina Dennis Orcollo at dating world No. 1 Francisco “Django” Busta-mante matapos mabigo sa semifinal round ng World 10-Ball Championships sa Bankshot Billiards sa Jacksonville, Florida.
Unang tinalo ni Orcollo si Stevie Moore, 11-5, bago nabigo kay Shane Van Boening, tinalo na niya sa finals ng katatapos na Enjoy Pool.Com 9-Ball sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas, sa semifinals.
Isang 11-4 tagumpay naman ang iniskor ni Bustamante kay German ace Thomas Engert hang-gang yumukod kay 2004 World 9-Ball Pool champion Alex Pagulayan, 10-11, sa Round of 8.
Dahilan sa naturang kabiguan nina Orcollo at Bustamante, pinanood na lamang ng dalawang Pinoy cue masters sina Van Boening at Cliff Joy-ner sa finals ng nasabing torneo.
Maliban kina Orcollo at Bustamante, hindi rin nakapasok sa finals si Pagulayan.
Nauna nang iginupo ni Pagulayan si multi-title champion Johnny Archer, 11-7, sa Round of 16 bago natalo kay Joyner, 11-10, sa semis.
Si Joyner, tubong Houston, ang nagwalis sa 8-ball at 9-ball division ng US Bar Table Championships sa Sands Regency sa Reno, Nevada.
- Latest
- Trending