VIGAN, Ilocos Sur – Nabawi ng defending champion Cossack Vodka ang pangunguna sa team competition matapos ang mahaba at nakakapagod na Stage 4 ng 2007 Padyak Pinoy na nagbuhat sa Alaminos City patungo sa makasaysayang bayang ito.
Nagtapos bilang third ang mga Cossack riders sa 267-kilometrong karera sa ilalim ng tirik na araw sa tabing dagat matapos magsumite ang apat na siklista ng 27 hours, three minutes at 58.761 seconds para mabawi ang pangunguna mula sa Cool Pap na umagaw ng liderato noong Stage 3.
Sa kabuuang oras na 53:43:39.380, ang Cossack ni coach Renato Dolosa ay mayroon nang 57.040-second kalamangan kontra sa Vellum, na nanguna sa lap kahapon sa oras na 27:02:13.671.
Pinangunahan nina team skipper Renato Sambrano at assistant Michael Reyes. Bumagsak ang Cool Pap sa fourth sa overall team standings matapos pumanglima sa stage.
Pumangatlo naman ang Mail & More na may, 1 minute at 44.220 segundong distansiya kasunod ang Cool Pap na 3:25.379 behind.
”Talagang inasahan namin na magbabago ang standings dito sa lap na ito,” ani Dolosa. “Pero matagal pa din ang karera. Wala pa ring malinaw hanggang hindi nakakadating ng Baguio (stages).”