Caloocan BOC urged to speed up count
VIGAN — Sa umpisa si Frederick Feliciano, sumunod si Victor Espiritu, at ngayon, si Arnel Quirimit naman ng Cool Pap ang overall leader ng 2007 Padyak Pinoy na hatid ng Tanduay sa pakikipagtulungan ng Wow Magic Sing at Air21 matapos ang 269 km Stage 4 na nagsimula sa Alaminos City patungo sa makasaysayang bayang ito.
Ang tanging pakay lamang ng 2003 champion na si Espiritu ay manalo ng lap matapos madiskaril sa Stage 2 nang madawit sa semplangan papasok sa finish line ng Cabanatuan, at matagumpay niyang naisagawa at kakabit nito ay ang overall leadership para agawin ang yellow jersey mula kay Espiritu.
Mula sa 26 siklistang kumawala sa huling 150-km. papasok ng La Union, umatake ang 32 gulang na sarhento sa Philippine Army, kasama si Baler Ravina ng Cool Pap ngunit iniwanan niya ito sa huling limang kilometro ng karera para tawirin ang finish line para sa tiyempong 6-oras, 41-minuto at 5-segundo.
Plano kong makakuha ng lap sa Tour na ito kasi pinaghandaan ko talaga,” ani Quirimit, “Hindi ko akalain na makukuha ko ang yellow jersey pero dahil nandiyan na, gagawin ko lahat ng makakaya ko.
”Bukod sa P5,000 stage prize win, umangat mula sa ikawalong puwesto patungo sa No. 1 ng overall individual standing si Quirimit sa kanyang total time na 13 oras at 24 minuto, may 1:62 minutong distansiya sa stage runner-up na si Ravina na umangat din sa overall individual mula sa ikasiyam na puwesto.
Tulad ng inaasahan, nabalasa ang overall individual standings matapos ang mahaba at nakakapagod na karerang bumaybay sa gilid ng dagat at ilang bahagi ng rough road sa parte ng Candon at Narvacan sa Ilocos Sur.
Bagamat umakyat ang maagang leader na si Feliciano sa ikatlong puwesto mula sa 13th place, lumaki naman ang kanyang time deficit sa yellow jersey mula 1:46 minuto kamakalawa kay Espiritu, ngayon ay 2:11 minutes na kay Quirimit.
Bukod sa nahubaran ng yellow jersey, bumagsak naman sa ika-pitong posisyon si Espiritu na may 4:48 minutong layo sa overall leader sa likod nina fourth placer Renato Sembrano ng Cossack Vodka (2:21 minutes sa likod ni Quirimit) na galing sa 16th place, Emelito Atilano ng Carguhaus (2:54) at Irish Valenzuela.
“Naubos ako, Expected nang magkakainan ng oras. Ang haba ng karera at mabigat dalhin ang yellow jersey. Okay lang na nawala sa akin, bawi na lang. Mahaba pa naman,” anang 1996 champion na si Espiritu. “Makakarecover naman ako dahil team time trial bukas at rest day sa susunod na araw kaya makakapahinga ako ng dalawang araw.”
Bumagsak naman sa ikawalong puwesto ang defending champion na si Santy Barnachea ng Champion team mula sa ikalawang puwesto na may 4:58 minutong distansiya kay Quirimit patungo sa Stage 5 na Team Time Trial mula dito patungo sa Laoag City kung saan magpapahinga ng isang araw ang karera bago umakyat ng Baguio. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending