^

PSN Palaro

Soaring shark fin demand driving extinction threat: report

-

Bunga ng kakapusan sa panahon, tatalakayin na ng binuong Southeast Asian Games Task Force sa Lunes at Martes ang rekomendasyon ng mga National Sports Associations (NSA) para sa mga atletang isasama sa delegasyon sa 24th SEA Games sa Thailand. 

”We will have a whole day meeting on Monday and Tuesday regarding the recommendations submitted by the NSAs,” sabi kahapon ni SEAG Task Force co-chair-man at Philippine Sports Commissioner Richie Garcia.  

Sa huling pulong ng grupo, umabot sa 277 ang mga kuwalipikadong mga national athletes kung saan 181 at 91 rito ay mga gold at silver medalists sa 2005 Philippine SEA Games, habang ang lima naman ay gold medal winner sa 2006 Doha Asian Games. 

Ayon kay Garcia, posible pang lumaki sa 400 ang bilang ng mga atleta kung aaprubahan ng SEAG Task Force ang inirerekomenda pang 304 ng mga NSAs. 

”We came up with the listing ng mga qualified athletes. If they are still active, they are our priority. Kung hindi naman the NSAs should justify kung bakit natin sila puwedeng isama,” ani Garcia. “This one will be very big kung pababayaan nating lahat na makasama sa delegation.” 

Sa estima ng sports commission, ang isang atleta na lalahok sa 2007 SEA Games sa Thailand sa Disyembre ay gagas-tusan ng P75,000. 

Samantala, ang ko-misyon muna ang ga-gastos sa 51 atletang sa-sailalim sa training program patungo sa 2008 Olympic Games sa Bei-jing, China bunga na rin ng pagkakaantala ng tulong mula kay First Gentleman Atty. Mike Arroyo. 

“Habang nagpapagaling si First Gentleman, tuluy-tuloy pa rin ang Olympic training program kasi ‘yon naman talaga ang gusto niyang mangyari,” ani PSC chairman William “Butch” Rami-rez. (Russell Cadayona)  

DOHA ASIAN GAMES

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN ATTY

GARCIA

MIKE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with