Caluag, Coo papadyak sa Asian Games

MANILA, Philippines — Muling papadyak sina Fil-Am Daniel Caluag at Patrick Coo para sa Pilipinas sa BMX cycling event ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan sa Setyembre.
Hangad ng 39-anyos na si Caluag ang kanyang ikalawang gold medal sa Asiad matapos maghari sa ika-17 edisyon noong 2014 sa Incheon, South Korea.
Ang 2012 Olympic Games campaigner lamang ang nakapag-uwi ng medalya mula sa nasabing quadrennial event.
Sa nakaraang Asian Games sa Hangzhou, China noong 2022 ay tumapos si Caluag, ang 2013 Southeast Asian Games gold medalist, sa ikaanim na puwesto.
Ang gintong medalya rin ang pakay ng 24-anyos na si Coo matapos kumuha ng tanso sa Hangzhou Asiad.
Kasalukuyang nagsasanay sina Caluag at Coo sa Amerika at inaasahang magtutungo sa Japan isang linggo bago ang Aichi-Nagoya Asiad.
Nakatakda ang 2026 Asian Games sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
- Latest




















