Kinailangan ng dala-wang overtime upang desisyunan ang labanan ng dalawang kulelat na koponan at kinai-langan ng Sta. Lucia ang mainit na kamay ni Nelbert Omolon sa ikalawang overtime upang hugutin ang 112-104 panalo kontra sa magiting na nakipagla-bang Welcoat sa pag-usad ng Talk N Text PBA Fiesta Conference na nagpatuloy sa Araneta Coliseum kagabi.
Umiskor si Norman Gonzales ng dalawang tres sa 7-2 produksiyon para sa 105-99 kalama-ngan na kanilang inala-gaan para maisubi ang ikalawang sunod na pa-nalo, ikalima sa 14-laro.
Higit na na-kalayo ang Realtors sa kulelat na posisyon na masisi-bak pagka-tapos ng eliminations kung saan namimi-ligro ang Dragons na lalong nabaon sa 3-11 kartada.
Bumandera si import Jamaal Williams sa kanyang 37-puntos, 17-rebounds, apat na assists at tatlong steals ngunit malaking bagay sa panalo ang ginawa ni Omolon na nagsumite ng 26-puntos, 10-rebounds at tiga-lawang assists at steals gayundin ang 19-puntos ni Gonzales.
Matapos itabla ni Rob Wainwright ang iskor sa 89-all sa pamamagitan ng kanyang tres, may 2:23 minuto pa ang natitira, kapwa ayaw malama-ngan ng magkabilang panig hanggang maubos ang oras sanhi ng unang overtime.
Samantala, ikaanim na sunod na panalo naman ang puntirya ng San Miguel Beer sa pakikipagharap sa Coca-Cola sa kanilang alas-7:00 ng gabing sagupaan sa pagpapatuloy ng aksiyon sa The Arena sa San Juan City.
Kasalukuyang nakiki-paglaban ang Air21 (9-4) kontra sa Talk N Text (7-6) na hangad makisalo sa liderato sa pahingang Barangay Ginebra na may 10-4 win-loss slate.
Sta. Lucia 112-- J. Williams 37, Omolon 26, Gonzales 19, K. Williams 8, Miranda 8, isip 4, Bughao 3, Aquino 3, Catli 2, Espino 2, Ramos 0, Mendoza 0.
Welcoat 104 --White 33, Compton 33, Reyes 12, Wainwright 12, Lopez 11, Sta. Maria 9, Cabatu 5, Ibanes 4, Baguion 0, Lao 0.
Quarterscores: 25-27; 48-58; 69-71; 89-89; 97-97; 112-104.