TEHRAN -- Isa na namang dagok ang nilu-nok ng San Miguel RP-team matapos lumuhod sa Syria, 80-114 at dahil dito kailangang mag-isip ng husto ni coach Chot Reyes para sa huling laro ng RP squad sa 18th FIBA Asia Champions Cup na nilalaro sa Azadi Stadium dito.
Umiskor ang higan-teng si Bernard Jons ng bibihirang triple double na 22 points, 11 rebounds at 10 blocked shots habang nagdagdag si Julius Nwosu ng 18 points at eight rebounds para ipalasap ng Syrians ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa Group B.
Bukod sa eksplosi-bong imports ng Syria, nakasama din sa RP team ang pagkaka-injured nina Jimmy Alapag, Danny Seigle at Mick Pennisi na siyang dahilan ng kanilang pinakamasamang pag-katalo sa torneo.
Maaari pang maka-pasok sa quarterfinals ang Nationals kung mananalo sila sa Al Muharraq ng Bahrain sa alas-8:45 ng gabi sa Miyerkules (1:15 ng madaling araw sa Huwebes sa Manila) sa pagtatapos ng eliminations.
Ngunit kailangang magdesisyon si coach Chot Reyes kung pala-laruin niya o hindi ang mga injured players dahil ang pinaghahandaan nilang SEABA championship ay gaganapin na sa May 24-28 sa Thailand.
Syria 114 -- Mandaly 27, Jons 22, Nwosu 18, Papazian 13, Farhat 9, Hadad 7, Sharif 7, Correa 6, Churri 3, Eshak 2, Shakkour 0.
San Miguel-RP 80-- Ritualo 23, Seigle 14, Dela Cruz 11, Taulava 7, Alapag 6, Caguioa 5, Villanueva 5, Raymundo 4, Hontiveros 3, De Ocampo 2, Pennisi 0, Helterbrand 0.
Quarterscores: 22-20; 57-34;81-56;114-80.