Ikalimang sunod na panalo ang target ng mga Batang Pier sa alas-12:00 ng tanghaling pakikipagsagupa sa Road-kings bilang pampagana.
Nasolo ng Harbour Centre ang liderato nang malaglag ang dati nilang kasosyong Burger King matapos lumasap ng 95-92 kabiguan kontra sa San Miguel-Magnolia sa isang overtime game kamakalawa.
Matapos malasap ang ika-lawang sunod na talo, bumag-sak ang Whoppers sa 4-2 kartada kasunod ang Toyota at Cebuana Lhuillier na tabla sa 3-2 record.
Tangka naman ng Henkel Sista ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang pakikipag-harap sa San Miguel Magnolia sa ikalawang laro sa alas-2:00 ng hapon.
Nasa solong ikalimang puwesto ang Beverage Masters taglay ang 2-3 record habang ang Super Sealers at Dazz ‘Sang Patak ay nasa ilalim ng team standings taglay ang 1-4 kartada.
Sa ikatlo at huling laro, maghaharap naman ang Dazz at Moneymen sa alas-4:00 ng hapon.
Kapanapanabik ang laba-nang ito na rematch ng kani-lang finals noong nakaraang taon.
Bumangon ang Batang Pier mula sa 1-2 deficit upang igupo ang Roadkings tungo sa titulo. (Mae Balbuena)