Banal wala pang napanood na laban ng kalaban
April 27, 2007 | 12:00am
Hindi kilala at wala pang napapanood si AJ "Bazooka" Banal na laban ng makakasagupang si Alberto Rosas ng Mexico.
Ito ang inamin ni Filipino trainer Edito Villa-mor, siyam na araw bago ang laban ng 18-anyos na si Banal sa 22-anyos na si Rosas sa undercard ng Oscar Dela Hoya-Floyd Mayweather, Jr. world junior middleweight cham-pionship sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
"We don’t have any fight footage of Rosas," sabi ni Villamor sa Mexi-can fighter na nagbaban-dera ng 25-2 win-loss ring record kasama ang 22 knockouts, samantalang tangan naman ni Banal ang 12-0-1 win-loss-draw card (10 KOs).
Matapos iposte ang 25-0 slate, dalawang su-nod na laban ang natik-man ni Rosas bago suma-gupa kay Banal, kasabay ni Rey "Boom Boom" Bautista na nagsasanay kasabay si Dela Hoya sa Puerto Rico sa ilalim ni 2006 Trainer of the Year Freddie Roach. Ayon kay Villamor, ang pagiging right-handed ni Rosas ang siyang sasamantalahin ni Banal na isa namang southpaw. Kaugnay nito, kinuha naman ni manager Lito Aldeguer si Las Vegas-based trainer/cutman Tony Martin bilang cutman nina Banal at Bautista sa kani-kanilang laban sa Mayo 5. Si Martin ay dati nang residente ng Cebu kung saan naman nakabase si Aldeguer.
Inaasahan ring aaktong cutman si Martin sa US debut ni world-ranked Bert Batawang kontra sa isang Mexican fighter sa Mayo 26 sa un-dercard ng Oscar Larios-Jorge Linares at Joan Guzman-Michael Katsidis double-header. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am