^

PSN Palaro

NCR nagtampisaw ng husto sa pool at taekwondo

- Joey Villar -
KORONADAL City--Nanalasa ng husto ang National Capital Region sa swimming at taek-wondo upang umusad patungo sa pagpapanatili sa overall title habang dalawang records ang nabura kahapon sa 2007 Palarong Pambansa sa South Cotabato Sports Complex dito.

Humakot ng 9 pang gintong medalya ang Big City bets sa pool habang sumungkit ng anim sa mat para ipagpatuloy ang pangunguna sa karera para sa general cham-pionship na hindi made-determina sa bilang ng gintong medalya kundi sa kakaibang point system.

Habang nag-iingay ang NCR sa unahan, nanalasa naman ang Western Visayas sa track and field oval nang kumana ito ng limang ginintuang pagsisikap sa Day 5 kabilang na ang nakayayanig na record performance ng 12 anyos na si Maika de Oro sa discuss throw.

Si De Oro, na mula sa pamilya ng mga discuss thrower kabilang na ang amang si dating national mainstay Manuel, ay bumato ng 33.07m na tumabon sa 30.38 na marka ni Johan Badojos ng Cagayan Valley sa Bacolod City edition.

Gayunpaman, ang record-breaking na ta-gumpay ni De Oro ay ikatlo lamang sa isang linggong event na ito kasunod nina Metro Manila tankers Gian Daniel Berino at Matthew Tano.

Binanderahan ni Tano ang 9-gold na pananalasa sa Day 3 ng swimming sa record-setting sa 100m butterfly kung saan naorasan ito ng 59.51 at wasakin ang dalawang taong marka ni dating NCR bet Ernest Dee na 59.58.

Nagdeliber din para sa NCR sina Kerzia Sarmiento (elementary 50m back), Maxim Quilala (secondary 200m back), Dorothy Hong (secondary 200m back), Gabriel Lorenzo Castelo (elementary 100m fly), Hannah Dato (elementary 100m fly) at ang elementary 200m boys at girls, secon-dary 200m girls freestyle relay squads.

Ang mga gold medalists naman para sa Western Visayas ay sina Deliza Paz Banebane (secondary 400m), Jason Mark Gualin (elementary 400m) at JC Mark Palestero (secondary 400m) na nagwagi sa mga pang-umagang event ha-bang si Josie Malacad (secondary 1,500m) sa pang-hapon na laro.

Sa taekwondo naman naka-gold ang NCR sa secondary level mula kina James Ruiz de Luzuriaga (fly), Gyle Genoso (bantam), Winlove dela Cerna (fin), Jira Marie Lizardo (fly), Carla Jane Alava (feather) at Marifi Gadit (welter).

BACOLOD CITY

BIG CITY

CAGAYAN VALLEY

CARLA JANE ALAVA

DE ORO

DELIZA PAZ BANEBANE

DOROTHY HONG

ERNEST DEE

GABRIEL LORENZO CASTELO

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with