^

PSN Palaro

Title fight ang laban ni Viloria

-
Kung tutuusin, mas mahalaga pa ang magiging laban ni dating Filipino world light flyweight champion Brian Viloria kesa sa laban ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao.

Pag-aagawan nina Viloria at Mexican Edgar Sosa ang nabakanteng World Boxing Council (WBC) light flyweight crown bilang undercard sa international super featherweight title defense ni Pacquiao kay Mexican Jorge Solis sa Linggo sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Ang WBC light flyweight belt ang siyang lehitimong korona kumpara sa suot ngayong WBC International super featherweight crown ng 28-anyos na si Pacquiao.

Kaya naman pursigido ang tubong Ilocos Sur na si Viloria na mabawi ang nawala sa kanyang WBC light flyweight title, inagaw ni Mexican Omar Niño noong Agosto ng 2005.

"I am going to take back what is rightfully mine -- the world title," pangako ng 5-foot-4 na si Viloria, nagdadala ng 19-1-1 win-loss-draw ring record kasama ang 12 knockouts, samantalang ibinabandera naman ni Sosa ang 26-5 (14 KOs).

Binawian ng WBC si Niño ng korona matapos mapatunayang gumamit ito ng amphethamine, isang banned substance, sa kanilang rematch ni Viloria noong Nobyembre ng 2006 na siya niyang ipinanalo via unanimous decision. (Russell cadayona)

BRIAN VILORIA

ILOCOS SUR

MEXICAN EDGAR SOSA

MEXICAN JORGE SOLIS

MEXICAN OMAR NI

PACQUIAO

SAN ANTONIO

VILORIA

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with