^

PSN Palaro

RP team nagsimula na ng pagsasanay

-
Ang trabaho para sa pinapangarap na makalaro sa Olympic basketball ay nagsimula na--Take two! Nasimulan na ito noong 2005 ngunit walang nangyari at nauwi sa wala dahil sa pagsuspindi ng International Basketball Federation o FIBA sa bansa.

Ngayong binawi na ang pagbabawal sa bansa na makalahok sa mga FIBA--sanctioned tournaments, makakapagsimula na uli ang Pinas.

At ito ay nangyari kahapon nang sa kauna-unahang pagkakataon ay natipon ang 12-man All-pro RP Team ni coach Chot Reyes sa Moro Lorenzo Gym sa loob ng Ateneo Campus.

Sumipot ang siyam na regular team members at dalawang alternates sa unang ensayo ng Pambansang koponan na inasahang magbabalik sa bansa sa mapa ng Olimpiyada.

Dumating sina Dondon Hontiveros, Kerby Raymundo, Ranidel de Ocampo, Jimmy Alapag, Asi Taulava, Tony Dela Cruz, Mick Pennisi at Danny Seigle na hindi nakisali sa sesyon dahil mayroon itong sakit.

Nakibahagi naman sa drills at workouts sina Enrico Villanueva at Romel Adducul. Hindi sumipot sina Jayjay Helterbrand, Mark Caguioa at ang mga alternates na sina Rafi Reavis at Rudy Hatfield.

Parating pa lamang sina Helterbrand, Reavis at Caguioa mula sa Amerika habang may ensayo naman ang Ginebra kaya hindi nakarating si Hatfield.

"Our practice today is all about shooting, foot-works and conditioning," pahayag ni Reyes na sinamahan nina coach Norman Black, Binky Favis at ng trainor na si Dennis Aenlle.

Sinimulan ang ensayo sa pamamagitan ng isang oras na stretching at drills na sinundan ng isang oras ding workout sa weights room at pagkatapos nito ay shooting.

Ayon kay Reyes, magkakaroon ng 13 sesyon ang RP team sa loob ng tatlong linggo hanggang sa Marso 28 bago tumulak sa U.S. Nakatakdang umalis ang Pambansang koponan patungong Los Angeles para sa 12-araw na training camp bago sumabak sa isang European tournament. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ASI TAULAVA

ATENEO CAMPUS

BINKY FAVIS

CHOT REYES

DANNY SEIGLE

DENNIS AENLLE

DONDON HONTIVEROS

ENRICO VILLANUEVA

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

JAYJAY HELTERBRAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with