Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-agawan kay Russian warrior Dimitri Kirilov para sa bakanteng super flyweight title ng International Boxing Federation (IBF).
Si Kirilov ay kasalukuyang No. 5 sa listahan ng IBF super flyweight boxers sa ilalim ni No. 3 Martin Castillo at No. 4 Alexander Munoz, samantalang wala namang nakaupo sa No. 2.
Matatandaang napanatili ni Montiel ang kanyang suot na World Boxing Organizaiton (WBO) super flyweight crown matapos itakas ang isang split decision kontra kay Gorres sa kanilang "Moment of Truth" kamakailan sa Cebu City.
Sa naturang laban, nakakuha si Gorres ng 115-111 puntos kay judge Denny Nelson, habang nakakolekta naman si Montiel ng 114-112 kay Chuck Giampa ng Las Vegas at 115-111 kay Raul Caiz ng Mexico para sa split decision.
Malaki ang naging epekto ng dala-wang point deduction ni Puerto Rican referee Samuel Viruet kay Gorres sa 10th at 12th round bunga ng paghawak kay Montiel.
Inaasahan ng kampo ni Gorres na maipagpapatuloy nito ang kanyang pangarap na maging ganap na world boxing champion. (Russell Cadayona)