^

PSN Palaro

FG at Ramirez tutungo sa China

-
Upang mapalakas ang tsansa sa kauna-unahang gintong medalya sa Olympic Games, tutulak sina First Gentleman Atty. Mike Arroyo at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William "Butch" Ramirez patungong Beijing, China ngayong buwan. 

Ayon kay Atty. Arroyo, makikipagpulong sila ni Ramirez sa Sports Minister ng China at maging sa Chinese wushu president para sa pagsasanay ng mga Filipino athletes. 

"At the end of the month we are going to go to Beijing to talk to the Sports Minister there and to the wushu minister also to ask for their help in training our athletes," wika ni Atty. Arroyo, nangakong tutulong sa PSC sa paglikom sa inilatag na P250 milyon para sa programa sa pagsikwat sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa. 

Bukod sa wushu, naniniwala rin si Atty. Arroyo na malaki rin ang tsansa ng mga Pinoy na makakuha ng gold medal sa 2008 Beijing Olympic Games sa boxing, taekwondo, diving at archery. 

"Ang dream natin ay magkaroon ng ating first Olympic gold medal," sabi ni Atty. Arroyo. "This is a Go for Gold program na naman just like before our dream was to win the Southeast Asian Games. And now our dream is to at least one gold medal in the 2008 Olympic Games."  

Sa pamamagitan ng itinayo niyang FG Foundation noong 2005 na nakalikom ng P160 milyon, nakapagsanay ang mga Filipino athletes sa iba’t ibang bansa na nagresulta sa pagiging overall champion ng Team Philippines sa 23rd Southeast Asian Games. 

Ngunit dahil sa kritisismo mula sa oposisyon, umatras ang First Gentleman sa pagtulong sa Team Philippines sa nakaraang 2006 Asian Games sa Doha, Qatar kung saan nag-uwi ang mga Pinoy ng 4 gold, 6 silver at 8 bronze medals. 

"Itong dream na ito ay hindi naman para sa atin lang o para sa mga atleta lang. Ito ay para sa buong bayan," dagdag ng First Gentleman. (Russell Cadayona)

ASIAN GAMES

BEIJING

FIRST GENTLEMAN

OLYMPIC GAMES

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPORTS MINISTER

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with