8 gintong medalya paglalabanan ngayon
March 6, 2007 | 12:00am
VIGAN, Ilocos Sur-- Iinit ang aksiyon sa pagbu-bukas ng tampok na athletics ngayon kung saan may walong gintong medalya ang nakalaan sa opening day ng Central Northern Luzon Qualifying Games ng 2nd Philippine Olympic Festival sa Elpidio Quirino Stadium dito.
Ang unang gintong medalya ay sa boys’ 5,000m at girls’ 3,000m runs na paglalabanan ng mga pinaka-mahuhusay na runners na may edad 15-19 anyos ang National Finals slot na nakatakda sa Manila sa Oktubre.
Ang isang linggong multi-sports meet ay binuksan ni Gov. Luis ‘Chavit Singson na nilahukan ng may 3,000 atleta mula sa 13 rehiyon ng northern at central Luzon na suportado ng The Philippine Star, Globe Telecoms, AMA Computer University, Accel, Asia Brewery/Absolute, Negros Navigation at Creativity Lounge.
Pinamunuan ni Archbishop Ernesto Salgado, DD ng Archdiocese ng Nueva Segovia ang opening prayers sa opening ceremony na dinaluhan nina POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, organizing com-mittee chairman Robert Aventajado at International Olympic Committee representative Frank Elizalde.
Ang iba pang gintong paglalabanan sa bagong ayos na oval ay ang girls’ pole vault, discus throw, 10,000m run at long jump at boys’ 110m hurdle at hammer throw (6kg).
Sa Vigan Youth Center, paglalaban naman ang gintong medalya sa boys at girls rhythmic at artistic events.
Ang iba pang event na hahataw ngayon ay ang arnis sa ISN High School, baseball sa Brgy. Tamag grounds, chess sa provincial capitol, football sa UNP at Brgy. Tamag, sepak takraw dito at table tennis sa JTCV Mall.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended