Ginebra mahihirapan sa Fiesta Conference
February 26, 2007 | 12:00am
Mahihirapan ng husto ang Barangay Ginebra sa kanilang kampanya para sa ikalawang sunod na titulo.
Gayunpaman, kumpiyansa si coach Jong Uichico na ang kanilang import na si Rod Nealy ang magiging sagot sa kanilang mga problema sa darating na PBA Fiesta Cup na magsisimula sa Marso 4.
Si Nealy ay veteran ng European league kung saan ito namalagi matapos itong maglaro sa Houston Baptist University sa NAIA Division I) kung saan may scoring average ito na 28.9 points bukod sa pagposte ng 11 rebounds per game.
Tatlong standouts ang mawawala sa Ginebra na sina Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand at Rudy Hatfield na napili ni coach Chot Reyes sa Philippine team na kakatawan ng bansa sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) championship sa darating na Marso 4 sa Bangkok, Thailand.
Bukod pa rito, isinama rin ni Reyes si Rafi Reavis, sa kanyang "priority list" na anumang oras na maaari niyang hugutin sakaling may ma-injured sa kanyang 12-man roster.
Si Caguioa ang tinanghal na Best Player of the Conference habang si Helterbrand ang Fi-nals MVP nang igupo ng Gin Kings ang San Miguel, 4-2 para makopo ang titulo sa katatapos lang na Talk N Text-PBA Philip-pine Cup nitong Biyernes.
Ang unang overseas stint ni Nealy ay sa Maccabi Haifa sa Israel noong 2003 kung saan may average itong 14.9 points, 5.8 rebounds at 1.6 assists, kabilang ang 40-point game sa Galil.
Sa taas na 199-centi-meters, inilarawan itong mahusay na rebounder, unstoppable, naiiwanan niya ang kanyang mga defenders, mahusay pu-moste, magaling na pas-ser.
Mahusay humawak ng bola at hindi napre-pressure at maasahan din sa backcourt. Maaasahan sa outside shooting ngunit mas epektibo sa mid-range game at komportable sa 3-4 positions. (AZaldivar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended