^

PSN Palaro

RP basketball balik eksena na

-
Puwede na ngayong magsimula ng seryosong trabaho ang BAP-Samahang Basketbol ng Pilipinas (BAP-SBP) lalo na si coach Chot Reyes, ang inatasang bumuo ng Pambansang koponan.

Pormal nang binawi ng International Basketball Federation o FIBA ang sus-pensiyon sa bansa na nanga-ngahulugang makakabalik na ang Pilipinas sa interna-tional scene.

Pinasalamatan lahat ni BAP-SBP president Manny Pangilinan ang lahat ng tumulong upang makamit ito.

"The lifting is the easy part, but now comes the hard-work. Marami na talagang dapat gawin," ani Pangilinan sa press conference sa PBA press room sa Araneta Coli-seum kagabi kung saan ka-sama nito sina Vice Chair-man Ricky Vargas, PBA Commissioner Noli Eala at SBP adviser Jinggoy Estrada.

Hindi pa man lumalabas ang pormal na pagbawi ng FIBA ng suspension, nagsi-mula na ang pagkilos para sa pagbuo ng Philippine team na isasabak sa Southeast Asian Basketballl Association (SEABA) Championships na gaganapin sa Mayo kung saan ang champion team ay papasok sa FIBA-Asia Championships sa Japan sa Agosto.

Ito ay qualifying tourna-ment para sa 2008 Olympics na gaganapin sa Beijing, China.

Sinabi ni Pangilinan na mananatili ang all-pro team sa national team upang masi-gurong isang kompetitibong koponan ang ipadadala ng bansa matapos mawala sa aksiyon ng dalawang taon.

"We wanna go back with vengeance and we wanna go back strong… what is more important is it is a quali-fying tournament for FIBA Asia that will lead us to our ultimate dream of competing in the Olympics," ani Vargas.

Ipinangako na ng FIBA sa pamamagitan ni secretary-general Patrick Baumann ang pagbawi ng suspensiyon matapos niyang saksihan ang Unity Congress noong Pebrero 5 na katuparan ng Tokyo comminuque noong Agosto ng nakaraang taon kung saan sinabi ng FIBA kailangang magkasundo ang magkabilang panig para mapabilis ang pagbawi ng suspensiyon.

Nagbukas ang pag-asa na matanggal ang suspen-siyon sa bansa matapos ang ‘unity efforts’ na pinangu-nahan ni Pangilinan na nagtungo sa Geneva, Swit-zerland noong Enero kasa-ma ang buong grupo ng SBP kung saan nakuha nila ang basbas ng FIBA para sa Unity Congress.

Sa Unity Congress, nag-kasundo ang grupo ng BAP na pinamumunuan na ni Go Teng Kok at SBP ni Pangi-linan kung saan nabuo ang bagong asosasyon na BAP-SBP at ang nahalal na presi-dente ay si Pangilinan. (Mae Balbuena)

AGOSTO

ARANETA COLI

ASIA CHAMPIONSHIPS

CHOT REYES

COMMISSIONER NOLI EALA

PANGILINAN

UNITY CONGRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with