UST sa men’s, FEU sa women’s UAAP football

Isang penalty shootout ang nagdala sa University of Santo Tomas upang makopo ang titulo sa men’s division ng football bagamat bigo itong makapagtala ng sweep nang bumigay ito sa Far Eastern University sa women’s division ng UAAP Season 69 football sa Ateneo Blue Eagle field.

Nakuha ng Tigers ang korona sa kalalakihan sa pamamagitan ng 4-2 iskor, habang makalipas ang tatlong taon, nakopo naman ng FEU ang korona sa kaba-baihan sa pamamagitan ng 1-0 iskor.

Tinanghal namang Most Valuable Player si Ricardo Becite bukod pa sa kanyang tinamong Best Midfielder habang ang kakamping si David Basa naman ang tinanghal na Rookie of the Year.

Show comments