^

PSN Palaro

Parang diesel ang Harbour Centre

-
Parang diesel ang Harbour Centre. Mahina sa simula ngunit unti-unting umaarangkada.

Ganito inilarawan nina team owner Mikee Romero coach George Gallent at team manager Erick Arejola ang Port Masters.

Ganito nga ang nangyari sa Harbour Centre na komopo ng 2007 PBL Silver Cup title matapos igupo ang Hapee-Philippine Christian University sa pamamagitan ng matamis na sweep, 3-0 ng kanilang best-of-five titular series.

“We had another shaky start but that made us even much stronger,” kuwento ni Romero. “With so many newcomers in the team, medyo nagkakahiyaan pa sila but as the tournament goes on, they played the way we envisioned them to be.”

May mga gabing hindi makatulog sina team manager Erick Arejola at Gallent sa kaagahan ng torneo nang malasap nila ang dalawang sunod na talo kabilang ang opening game kontra sa Hapee-PCU.

“Nakaka-bad trip noong una kasi puro talo kami, mabuti na lang nag-step up ang mga bata, ang maganda non halos sabay-sabay silang nag-deliver,” ani Arejola. “Parang diesel talaga kami.”

Nag-pick up ang game ni JC Intal na sinundan ni veteran Chico Lanete at gumanap namang mahalagang papel sina Ryan Arana at Jay Coching sa semis na nagpahirap sa star player ng Toyota-Otis na si Marvin Cruz.

Nagbida rin sa ilang mga laro sina Allan Gamboa, Ron Capati at National University standouts – Jonathan Fernandez at Edwin Asoro gayundin sina Al Vergara at Marvin Ortiguerra.

Ngunit higit na binigyang papuri ni Gallent si Lanete.

“He (Lañete) stood tall in the land of giants. He created plays but most of the time, he made the big shots for us,” ani Gallent. “He’s ripe for the pro league.”

Si Lanete ang tinanghal na Finals MVP, habang si Fernandez ang napiling Pivotal Player nang isulong nito ang Port Masters sa fourth quarter ng Game-Three.

Ganito rin ang kuwento ng Harbour Centre nang makopo nila ang PBL Unity Cup laban sa Toyota-Otis, 3-2. Masama ang kanilang simula ngunit unti-unting nakabangon tungo sa kanilang back-to-back title matapos ang apat na kumperensiya sa loob ng dalawang taon na pagkampanya sa PBL. (MBalbuena)

AL VERGARA

ALLAN GAMBOA

ERICK AREJOLA

GALLENT

GANITO

HARBOUR CENTRE

PORT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with