Pinatamis ito ng kani-lang pag-sweep ng cham-pionship series kontra sa Hapee-Philippine Chris-tian University para sa korona ng PBL Silver Cup.
Isinelyo ng Port Masters ang 3-0 panalo sa best-of-five champion-ship series laban sa Teethmasters matapos ang 86-73 panalo sa Game-Three kahapon sa TheArena sa San Juan.
"We just worked hard and played hard," paha-yag ni coach George Gallent. "I guess the players just don’t want to go to Game-Four any-more.
Tulad ng nakaraang laro, lumabas ang inten-sidad ng Harbour Centre sa ikaapat na quarter sa pangunguna ni Jonathan Fernandez upang bawiin ang trangkong pananda-liang naagaw ng Teeth-masters at naglunsad ng malaking run upang iselyo ang ikalawang titulo.
Bumangon nang Hapee-PCU mula sa 12-puntos na pagkakahuli sa ikatlong quarter at nagawa nilang agawin ang kala-mangan sa 61-60 mata-pos ang 9-2 run sa bungad ng final quarter.
Lumabas ang tapang ni Fernandez na nag-ambag ng 10 sa kanyang 23-puntos na produk-siyon, sa 20-7 atake para sa 80-67 kalamangan ng Port Masters tungo sa kanilang tagumpay. Si Fernandez ang tinanghal na Pivotal player of the series ngunit kay Chico Lanete iginawad ang Most Valuable Player ng Finals na siyang top scorer sa tatlong laro.
Ito ang ikalawang sunod na titulo ng Port Masters na unang naka-pagsubi ng korona sa PBL Unity Cup laban saToyota Otis kung saan nakaba-ngon sila sa 1-2 deficit bago isinelyo ang korona sa 3-2 panalo.
Nitong Game-Two, tinambakan na ng 20-puntos ang Portmasters ngunit nagawa nilang bumangon sa second half kung saan nilimitahan nila sa tatlong puntos lamang ang Hapee PCU mula sa basket ni Ronald Bucao tungo sa 63-61 panalo noong Huwebes sa EAC gym.
Malaking kawalan sa Hapee-PCU ang hindi paglalaro ni Larry Rodri-guez na na-sprain noong Game-Two na sinaman-tala ng Port Masters upang makalayo ng husto.