PBL title makuha na kaya ng Harbour Centre?
February 17, 2007 | 12:00am
May pagkakataon ngayon ang Harbour Centre na makatikim ng championship sweep.
Bibihira lamang ang nakakagawa nito kaya’t sisikapin nilang maisaka-tuparan ito sa Game-Three ng kanilang titular showdown laban sa Hapee-Philippine Chris-tian University para sa 2007 PBL Silver Cup sa The Arena sa San Juan.
Alas-3:15 ng hapon ang sagupaan ng Harbour Centre at Hapee-PCU ngunit bago ito ay magka-karoon ng achievement awards kung saan iha-hayag ang Most Valuable Player kung saan mahig-pit na naglalaban sina Marvin Cruz ng Toyota Otis at Jason Castro ng Hapee-PCU.
Noong nakaraang taon, nakopo ng Port Masters ang korona sa PBL Unity Cup ngunit kinailangan nila ng limang laro para sa 3-2 panalo talo kontra sa Toyota-Otis matapos mabaon sa 1-2 sa serye.
"I can’t guarantee if we can sweep them (Teeth-masters) but we’ll play our very best and do every-thing in Game 3," pahayag ni coach George Gallent ng Port Masters.
Sa pagkakataong ito, hawak na ng Port Masters ang 2-0 kalamangan sa best-of-five champion-ship series at ang kanilang tagumpay ngayon ang tatapos ng serye.
Ipinakita ng Harbour Centre ang kanilang determinasyong manalo ng korona matapos bumangon sa 20-point deficit at kunin ang 63-61 panalo sa Game-Two kamakalawa sa EAC gym.
Nilimitahan sa tatlong puntos ang Port Masters ang Teethmasters sa kaisa-isang tres ni Ronald Bucao para kumpletuhin ang kanilang come-from-behind win.
Malaking kawalan si Larry Rodriguez sa huling anim na minuto ng laba-nan matapos itong ma-sprain at hindi siguradong makakalaro ito ngayon. Kung saka-sakali ay posibleng hindi rin niya maibibigay ang 100% game nito.
Bentahe na ito para sa Port Masters ngunit hindi dapat ma-liitin ang kaka-yahan ng Teeth-masters. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest