Makalipas ang tatlong buwan, umaasa naman ang Teethmasters na tupisin ang kanilang kam-panyang ito ng tagumpay laban din sa nabanggit na koponan.
Ang dalawang kopo-nang unang nagkita sa opener noong Nobyem-bre at muling magha-harap ngayon at ito na-man ay sa best-of-five Silver Cup finals.
Ang eksplosibong la-ban sa pagitan ng dalawa ay sasabog sa ganap na alas-4 ng hapon sa Olivarez Sports Center sa Parañaque, pagktapos ng bakbakan ng Toyota Otis at Mail & More para sa ikatlong puwesto sa alas-2 ng hapon.
Kapwa ‘live’ na mapa-panood ang umaatika-bong serye ito sa Studio 23.
Naalala pa nina Coach Jun Noel at assistant Joel Dualan ang 73-68 shock-er ng Teeth Sparklers kontra sa pinapaborang Port Masters nang unang magkita ang dalawang koponan.
At kapwa aminado ang dalawa na maraming pagbabago ang naganap.
“Remember that time, they have just lost some of their key men from their championship team, kaya hindi pa talaga sila cohe-sive,†ani Dualan, na bahagi ng pitong Finals appearances ng Hapee bilang player at miyembro ng coaching staff. “Tsaka siyempre, wala pa si JC Intal noon.â€ÂÂ
Si Intal, ang hot-shoot-ing forward mula sa Ateneo, ay hindi pa kasa-ma ng Harbour Centre nang una silang mag-tagpo ng Hapee bagamat nakalaro na ito sa kanilang rematch noong Enero 6 na napagwagian din ng Teehtmasters, 75-67.
At malaki na rin ang pagbabago sa panig ng Port Masters matapos nito. Kumana na ang bete-ranong si Chico Lanete at umangat naman sina National U standouts Ed-win Asoro at Jonathan Fernandez at Ryan Arana na naging susi sa kanilang pagpasok sa finals.
Nasa ikalawang sunod na finals stint umaasa ang Port Masters na susunod din sila sa yapak ng Hapee na nakasungkit ng titulo matapos ang tatlong taong paglalaro.
Sa nabanggit na serye, naririto rin si Junel Baculi, ang consultant ng Harbour Centre na dating coach na Hapee.