Si Amaechi, na nag-aral sa Penn State, ay naka-pasok sa NBA noong 1995-96 season at pagkatapos ay naglaro sa Europe bago bumalik sa liga noong 1999. Nagretiro siya noong simula ng 2004. Na-kapaglaro siya sa Cleveland Cavaliers, Orlando Ma-gic at Utah Jazz. Ang kabalintunaan nito ay sa Utah pa siya nagladlad at doon nagpupunta sa mga gay club, at unti-unting nagpakita ng kanyang tunay na pagkatao.
Naging mabilis ang reaksiyon sa NBA. Sinabi ni commissioner David Stern " We have a very diverse league. The question is always "Do you have a ga-me?’ That’s it." At ganito rin ang sentimiyento ng kara-mihan ng mga player. Wala silang pakialam diumano sa iyong seksuwal na pagnanasa kung magaling kang maglaro. Subalit marami rin ang nagsasabing malapit sa pangalawa para sa kanila ang kanilang pagiging komportable sa loob ng locker room at sho-wer.
Subalit ilan din ang nagkuwestiyon sa lakas ng loob ni Amaechi. Bakit hindi daw niya ginawa ang pagbubunyag noong siya ay naglalaro pa? Sabi pa ni LeBron James, dahil dito, hindi siya pagkakatiwa-laan ng kanyang mga kakampi, dahil hindi niya sinabi ang katotohanan.
May mga ilan ding pagpupunang ginawa si Amaechi, lalo na sa mga naging kakampi niya, at maging kay coach Jerry Sloan ng Jazz, na may sina-sabi daw ito kontra sa mga gay. At higit sa lahat, sinabi ni Amaechi na mayroon pa raw mga gay na naka-uniporme pa sa NBA, hanggang sa ngayon.
Marami ang sumasama ang loob sa ganitong usapin, dahil nakalakihan ng karamihan sa atin ang laitin ang mga bakla o pagtawanan sila. Ang pananaw dito ay bilang isang tinatawag na "lifestyle choice", kaya maganda rin ang sinasabi ng mga ibang NBA superstar na wala silang pakialam kung bakla ang kanilang kakampi, basta huwag lang silang pag-tangkaan dahil sila naman ay heterosexual.
Pero para sa mga nakararami sa atin, paano na-man ang magiging reaksiyon natin kung mailalahad ang ating mga pananaw na di katanggap-tanggap ang ilang miyembro ng lipunan? At ano ang magiging reaksiyon natin kung sakaling malaman nating may kakampi tayo o ang ating mga kapatid o anak ay homosexual?
Ayaw nating isipin, hindi ba?