Baumann magbabantay sa Basketball Unity Congress
February 5, 2007 | 12:00am
Mismong si FIBA-World secretary-general Patrick Baumann ang sasaksi sa magiging takbo ng itinakdang Unity Congress ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ngayong araw sa Dusit Hotel sa Makati City.
Inaasahan ng SBP na magiging maayos ang gagawing pulong sa hanay ng mga basketball stakeholders, kinabibilangan ng PBA, PBL, UAAP at NCAA, na siyang pagkukunan ng 25 miyembro ng Board of Trustees na pagmumulan ng mga ibobotong opisyales.
Nauna nang nakausap nina PLDT boss Manny V. Pangilinan, PBA Commissioner Noli Eala, PBA chairman Ricky Vargas, SBP corporate secretary Atty. Marievic Ramos-Anonuevo at three-man panel member JunJun Capistrano sina Baumann at FIBA-Asia secretary-general Datu Yeoh Cho Hock sa Bangkok noong Sabado.
"The work has been done and its time to move forward for Philippine basketball," sabi kahapon ni Eala. "We are looking forward to a fruitful congress and we are looking forward to see the Philippine Team once again play in the international tournament."
Anuman ang magaganap sa Unity Congress ang siyang iuulat ni Baumann sa FIBA World na siyang magdedetermina kung aalisin o pananatilihin ang suspensyon sa bansa.
Matatandaang sinuspinde ng FIBA ang bansa matapos sibakin ng General Assembly ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Basketball Association of the Philippines (BAP) bilang miyembro noong Hunyo ng 2005.
Ang BAP na pinamumunuan ngayon ni athletics chief Go Teng Kok matapos tanggalin sina Sen. Joey Lina at Sen. Jinggoy Estrada, ayon kay Eala, ay inimbitahan na ng SBP para dumalo sa Unity Congress.
"Were very transparent. I hope they (BAP officials) would be enlightened after all theyre all members of the Board of Trustees. Walang tinatanggal," wika naman ni Vargas. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended