Ang resulta nito ay ang malaking 109-82 paggupo ng Beermen sa Bulls sa Game 3 para iposte ang kanilang 2-1 bentahe sa 2007 PBA Philippine Cup semifinals series kahapon sa Araneta Coliseum.
"Iyon kasi ang nang-yari sa Game 2 eh, we were intimidated by their physical defense as well as their physical game. I told them not to back down and be prepared to dish it and be prepared to take it," bilin ni mentor Chot Reyes sa San Miguel, nabigo sa Game 2 via 84-106.
Ito na ang pinakama-samang kabiguan ng Red Bull matapos ang kanilang 68-102 pagyukod sa San Miguel sa Game 3 ng 2002 PBA Commissio-ners Cup.
Limang ulit nagkainitan ang mga Beermen at ang mga Bulls sa fourth quar-ter, kasama rito ang pag-kakatalsik ni two-time Most Valuable Player Danny Ildefonso mula sa kanyang ikalawang tech-nical foul sa 8:44 nito mula sa sagutan nila ni Rico Villanueva, lamang ang San Miguel sa Red Bull sa 87-71.
"From now on if they will play physical, we will make a stance. Matira na ang matibay rito," sabi ni Reyes, nakahugot ng 27 marka at 10 boards kay Danny Seigle kasunod ang 16 puntos ni Ildefon-so, tig-12 nina Romel Ad-ducul at Dondon Hontive-ros, 11 ni Olsen Racela at 10 ni Wesley Gonzales.
Hindi naman maawat si Racela nang makatikim ito kay Junthy Valenzuela ka-sabay ng kanyang isinalpak na 3-point shot para sa 102-75 abante ng Beermen, 3:28 sa laro.
"I can understand why Olsen reacted that way. He already suffered a broken nose, kaya medyo nasak-tan siya sa foul ni Junthy," ani Reyes. "I dont know if it is accidental or incidental on the part of Junthy."
Ang four-point play ni Racela kay Valenzuela, nalimitahan sa 9 puntos matapos kumabig ng 22 sa Game 2, ang nagbigay sa San Miguel ng 103-75 bentahe sa huling 3:28 nito. (R-Cadayona)