^

PSN Palaro

Valero nanggigigil na kay Pacquiao pero...

-
Ang paghahamon kay Filipino boxing hero Manny Pacquiao ang pinakaprayoridad pa rin ni Venezuelan world super featherweight champion Edwin Valero.

Inaasahan ni Valero, ang kasalukuyang World Boxing Association (WBA) super featherweight titlist, na matutuloy ang laban niya kay Pacquiao ngayong taon mula sa inilatag na apat na laban ng kanyang promoter na si Mr. Honda.

"This year my promoter, Mr. Honda has promised me four fights. I already had one and my next fight is scheduled for May 3. We do not have an opponent but Nobohito Honmo is being considered," ani Valero kahapon. "The idea is for me to fight Manny Pacquiao at the end of the year."

Sa voting survey ng ww.Pacland.com, ang official website ng 28-anyos na si Pacquiao, ang Venezuelan ang lumalabas na gustong makita ng mga Pinoy na labanan ni Pacquiao at hindi si Korean In Jin Chi. 

Nauna nang itinakda ni World Boxing Council (WBC) president Jose Sulaiman ang pagdedepensa ni Pacquiao ng kanyang suot na WBC International super featherweight crown sa 33-anyos na si Chi sa Abril 28 sa Wynn's Hotel and Casino sa Macau, China.

Ito ay matapos na ring ituloy ng Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya ang pagtatanggol ni Marco Antonio Barrera sa kanyang WBC super featherweight title kay Juan Manuel Marquez sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Pansamantalang iiwanan ni Chi ang kanyang WBC featherweight belt upang umakyat ng timbang para hamunin si Pacquiao.

Kaugnay nito, pinabulaanan naman ni Bob Arum ng Top Rank Promotions, humahawak kay Pacquiao, ang sinasabi ni Valero na pagtawag ng una kay Mr. Honda para bilhin ang kalahati ng kanyang fight contract sa huli.

"Mr. Honda is a great friend," sagot ni Arum. "And Edwin is a heck of a fighter but that nothing of the sort has taken place so far." (Russell Cadayona)

BOB ARUM

EDWIN VALERO

GOLDEN BOY PROMOTIONS

HOTEL AND CASINO

JOSE SULAIMAN

MR. HONDA

PACQUIAO

VALERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with