Wildcard phase aarangkada
January 5, 2007 | 12:00am
Sa kabila ng isang masaklap na kabiguan sa mga kamay ng nagdedepensang Purefoods Chunkee Giants noong Miyerkules, may pagkakataon pa rin ang Sta. Lucia na makaabante sa quarterfinal round ng 2007 PBA Philippine Cup.
"Of course, they already have an advantage kasi 10-9 sila ngayon and one win may playoff berth na sila for the fourth and last quarterfinal spot," ani Giants' head coach Ryan Gregorio sa Realtors na kanilang tinalo, 92-78, sa isang playoff game para sa ikatlo at huling outright quarterfinals ticket.
Sasagupain ng Sta. Lucia ang Air 21 ngayong alas-7:20 ng gabi matapos ang upakan ng Alaska at Coca-Cola sa alas-4:35 ng hapon sa pagsisimula ng wildcard phase sa Araneta Coliseum.
Dadalhin ng Realtors ang kanilang 10-9 rekord sa wildcard phase kagaya ng Aces (8-10), Express (7-11) at Tigers (5-13) kung saan ang top team matapos ang kani-kanilang tatlong laro ang aangkin sa ikaapat at huling quarterfinal seat kasama ang Red Bull Barakos (11-7), Talk 'N Text Phone Pals (10-8) at Giants (11-8).
Ang nasabing 78-92 kabiguan sa Purefoods ang ikatlong sunod na kamalasan ng Sta. Lucia bago sumagupa sa Air 21, nasa isang three-game losing skid.
"Kahit sino naman ang makalaban namin sa wildcard, okay lang sa amin eh," wika ni mentor Bo Perasol sa kanyang Express, ibinigay sina 6-foot-9 Yancy De Ocampo, Leo Avenido at Ryan Bernardo sa Phone Pals kapalit sina 6'7 Mark Andaya, 6'5 Abby Santos at isang 2007 first round pick.
Muling aasahan ng Sta. Lucia ni Alfrancis Chua sina Kelly Williams, Marlou Aquino, Dennis Espino, Alex Cabagnot at Kenneth Duremdes katapat sina Arwind Santos, Wynne Arboleda, Nino Canaleta, Ranidel De Ocampo at Aries Dimaunahan ng Air 21 ni Perasol.
Ang tropang mangunguna matapos ang wildcard phase ang siyang tatapat sa Red Bull sa quarterfinals kung saan magsasagupa naman ang Purefoods at Talk 'N Text.
Ang Barangay Ginebra at San Miguel Beer ang dalawang koponang sumikwat ng dalawang outright semifinals slot mula sa kanilang magkatulad na 13-5 karta. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended