Sina Laylo at Dableo, beterano ng 2006 Doha Asian Games , ang babandera sa kampanya ng bansa sa Zonals kasama sina GM Mark Paragua, batang IM Wesley So, at IM Oliver Dimakiling, ang top five placers sa zonal qualifier.
Si Laylo, 26, ang pinakamaningning na pag-asa para sa GM dahil sa kanyang mataas na rating sa apat na Pinoy na naghahangad maging GM sa Vietnam.
Sa kapapalabas na rating list ng FIDE, ang two-time National Open champion ay kasalukuyang pampito sa bansa na may 2476 at maaring umabot sa 25000 marka sa ilang araw pa.
Ayon kay Laylo, sinulatan niya ang FIDE rating specialist na si Toti Abundo tungo sa kanyang 24 rating points na nakuha sa 2006 Malaysian Open ngunit hindi naibilang sa quarterly computations ng FIDE. Nakuha rin niya ang GM norm sa naturang event.
At ibig sabihin nito, kailangan na lamang ni Laylo ng isa pang GM norm para maging ikaanim na GM ng bansa kasunod nina Paragua, Eugene Torre, Joey Antonio, Bong Villamayor at Nelson Mariano II.
Sa kabilang dako, si Dableo naman ay pang-11th sa bansa na may 2453 rating na kanyang nakuha naman makaraang manguna sa Asian Zonals may tatlong taon na ang nakararaan at ang isa ay sa President Arroyo cup noong Nobyembre.
Naghahangad din ng GM norm sina 13-year-old So at Dimakiling, na may 2481 at 2451, ayon sa pagkakasunod at may tig-isang GM resulta bawat isa.
Ang tatlong GM results at minimum rating na 2500 ay kailangan para makuha ang GM title.
Kakatawan naman sa kababaihan sina Woman IM Beverly Mendoza at baguhang Christy Lamiel Bernales and Kimberly Jane Cunanan, na tumapos na top three sa Zonal qualifiers.
Ang Zone 3.2a ay binubuo ng mga Southeast Asian nations, na kinabibilangan ng powerhouse Vietnam at Indonesia, pati na rin ng Mongolia.