May tsansa na ang basketball
December 28, 2006 | 12:00am
Dahil sa muling pagka-kaisa ng national clubs sa ilalim ng Samahan ng Basketbol ng Pilipinas (SBP), nakikinita ng isang senior member ng Con-gress ang pagkakaroon ng definitive roadmap para sa muling pagbabalik sa glorya ng bansa bilang Asias basketball power-house.
"We need a precise roadmap that will enable us to consciously take Philippine basketball to greater heights five to 10 years from now," wika ni House Deputy Majority Leader Eduardo Gullas, dating vice president ng Basketball Association of the Philippines Inc. (BAP).
"We must have a purposeful strategy as to where we want to take Philippine basketball nationally and globally in the years ahead. This can be drawn up by a think tank that may be com-missioned by the new league," wika pa ni Gullas, na kinatawan ng Cebu provinces first district.
Ginawa ni Gullas ang pahayag na ito, ilang oras matapos na sina Sen. Jingoy Estrada at tycoon Manny Pangilinan ay tuluyan ng nagkaayos na magkatuwang na pangu-nahan ang SBP, ang pag-iisa sa national association para sa paboritong sports ng bansa.
Nagkasundo sina Pangilinan at Estrada na magsilbing SBP president at chairman, ayon sa pagkakasunod, upang tuluyan na ring alisin ang ipinataw na 18-buwang suspension ng Federation Internationale de Basket-ball (FIBA) sa Philippines para lumahok sa mga international competitions.
Ipinataw ang nasabing suspension sa Philippines mula noong June 2005, dahil na rin sa pag-aaway-away ng mga national clubs, na tuluyan na ring nagbawal sa bansa na lumahok sa ilang interna-tional basketball tourna-ments.
"We applaud both Manny and Jinggoy for their public-spiritedness, without which there would be no SBP today," wika ni Gullas.
Ayon pa sa mamba-batas, ang unang nonom-brahan ng SBP ay ang pagbuo sa pool ng mga mahuhusay na basket-ball human resources--ilang listahan ng mga mahuhusay ring coaches at players.
Inimbitahan naman ng Philippine Olympic Com-mittee (POC) si Gullas upang pangunahan ang Philippine Basketball Federation Inc. noong 2004, subalit tumanggi ang mambabatas dahil na rin sa kanyang pagiging abala sa kongreso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am