^

PSN Palaro

Matatapos na naman ang isang taon

SPORTS - Dina Marie Villena -
Sus! Kaybilis talaga ng panahon. Parang kailan lang at ngayon ay papasok na ang 2007.

Haay isang taon ang nakalipas at maraming maganda at hindi magandang nangyari sa sports natin.

Naaalala ko noong 2006 SEA Games. December din yon at naging maganda ang resulta makaraang mag-overall champion ang Philippines.

Ngayon naman, sumungkit ng apat na gintong medalya ang Team Philippines sa Asian Games. Pinakamagandang performance ng Team Philippines makalipas ang 44 years.

At lahat nang ito ay nangyari sa termino ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Tila masuwerteng chairman itong si Ramirez.

Target naman niya ngayon ang kauna-unahang gintong medalya sa Olimpiyada.

Pero siyempre, ang lahat ng kanyang pagsisikap ay hindi maisasakatuparan kung hindi nagtutulong-tulungan ang marami.

Sa ngayon, babalik na sa eksena si First Gentleman Mike Arroyo sa larangan ng sports.

At nangakong muling susuportahan ang ating mga atleta para lamang maatim ang mithiing makamit ang Olympic gold.

Sana bukod kay FG, sumuporta din ang ilang sektor sa adhikaing ito na tunay na magbibigay ng parangal sa ating bansa.

Maging ang ating mga sports leaders at mga NSA leaders sana ay magtulungan. Wala na sanang gulo.

At doon sa mga nanggugulo sana naman tigilan na ninyo ito.

Hindi kayo ang naapektuhan kundi ang mga atleta mismo. Tigilan na ninyo ang panggugulo! Please lang!!!

At sana sa pagtatapos ng 2006 matapos na rin ang mga iringan ng mga sports officials na nagmamahal ‘kuno’ sa sports. Ipakita ninyo ang tunay na pagmamahal sa pamamagitan ng pakumbaba at pagtutulungan.

Di ba mga kababayan?

ASIAN GAMES

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HAAY

IPAKITA

KAYBILIS

NAAALALA

NGAYON

RAMIREZ

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with