Cebuana Lhuillier di umubra sa Mail & More
December 15, 2006 | 12:00am
Ginawa na ng Cebuana Lhuillier ang lahat, subalit hindi pa rin nila napigilan ang Mail & More sa pagkubra ng ikaapat na sunod na panalo nito.
Sumandig ang Comets sa mga balikat ni Ronjay Buenafe sa huling dalawang minuto ng laro upang igupo ang Moneymen sa double overtime, 95-90, sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup sa UST Gym.
Ang naturang panalo ng Mail & More, nakakolekta ng 21 puntos, 14 rebounds, 3 shotblocks at 2 assists kay 6-foot-6 JR Quiñahan, ang naghanay sa kanila sa Hapee-PCU at Sista Super Sealants sa liderato mula sa magkakatulad nilang 5-2 kartada.
Muntik nang mauwi sa wala ang ipinosteng 22-point lead, 55-33, ng Comets sa 4:15 ng third period nang agawin ng Moneymen, may 2-4 rekord ngayon kasama ang tatlong dikit na kabiguan, ang unahan sa 73-69 sa huling 1:35 ng fourth quarter.
Ang basket ni Jorell Canizares at dalawang freethrows ni Mike Bravo ang nagtulak sa Mail & More sa unang overtime, 73-73, bago ang follow-up ni Elmer Espiritu sa pagtunog ng buzzer para sa ikalawang extension period, 82-82.
Huling nakalapit ang Cebuana Lhuillier sa 83-84 buhat sa split ni Mark Abadia, humugot ng 12 marka sa fourth period, sa ilalim ng 3:00 ng labanan bago naiwanan sa 83-89 sa 2:04 nito mula sa isang tres at drive ni Buenafe.
Matapos ang split ni Ken Bono para sa 88-93 agwat ng Moneymen sa huling 38 segundo, dalawang freethrows naman ang isinalpak ni Marvin Yambao sa natitirang 23.1 tikada para ibigay sa Comets ang 95-88 lamang. (RCADAYONA)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am