^

PSN Palaro

May tsansa sa ginto si Tipon

- Dina Marie Villena -
DOHA -- Muling nagli-wanag ang kapaligiran sa kampo ng Pilipinas nang pumasok sa finals si Joan Tipon para sa posibleng gintong medalya sa bo-xing competition ng 15th Asian Games dito.

Buong tapang na umakyat sa ring si Tipon upang harapin si Worapoj Petchkoom ng Thailand at igupo ito sa pamamagitan ng puntos.

Mahigpit ang naging bakbakan ng dalawa, kung saan matapos maa-gang lumamang ang Thai. 4-1 sa unang round.

Buo ang loob, hindi na-walan ng pag-asa ang 24 anyos na taga-Bacolod, nang maghabol ito at mai-lapit ang kanilang iskor sa 8-9 na ipinagbunyi ng mga Pinoy na manonood.

"Nasa isip ko ang Lord, at nagdasal na sana ibi-gay Niya sa akin ang pa-nalo," wika ni Tipon na tila natulala sa panalo niya sa bigating Thai.

Makakalaban ni Tipon ang South Korean na si Soon Chul Han na nag-wagi naman kay Uugan Enkbhat ng Mongolia, 29-19, sa isang bantam-weight class semis.

Hindi naman naging mapalad si Godfrey Cas-tro na yumuko sa betera-nong si Suban Pannon, sa pamamagitan ng Re-feree-Stopped Contest Outclassed sa ikatlong round.

Yumuko rin si Gene-bert Basadre kay Qing Hu ng China, 29-18 para isuk-bit naman ang bronze me-dal sa lightweight division.

Gayunpaman sapat na ito sa bronze medal na pagtatapos nina Castro at Basadre.

Dahil sa panalo ni Ti-pon, makakasama niya si Violito Payla para sa kam-panya sa gold medal.

Uubusin lahat ni Payla ang kanyang nalalabing lakas para sa gintong me-dalya sa kanyang pakiki-paglaban kay Somjit Jongjohor sa ganap na alas-2 ng hapon (7pm sa Manila) sa kanilang flyweight final bout.

Isang ginintuang pag-kakataon na naman ang nakawala sa kamay ng billiards nang yumuko si Iris Ranola sa kanyang ka-labang si Esther Suet Yee Kwan ng Malaysia, 7-4.

Ang kabiguang ito ni Ranola, ay nagtakda sa kanyang pakikipaglaban para sa bronze medal kontra sa Chinese na si Xiaoting Pan na kasalu-kuyang nilalaro habang sinusulat ang balitang ito.

Sa archery, umusad sa susunod na round si Ra-chelle Ann Cabral maka-raang igupo si Dorji Dolma ng Bhutan, 105-100 sa round of 8 women’s indivi-dual sa Lusail Archery Range habang hindi na-man sinuwerte si Kathe-rine Santos na yumuko kay Rina Dewi Puspitasari ng Indonesia, 103-101.

Sa Al Sadd Indoor hall, nanaig ang tambalang team Jolly Aglubo at Me-todio Suico kina Gyun Nam Lee at Yong Kwan Huang ng Korea, 2-1 sa prelimina-ry ng men’s doubles sa Sepak Takraw ngunit nabi-go naman ang Pinay duo na sina Deseree Autor at Irene Apdon kina Waree Nantasing at Sirinapa Porn-nongan ng Thailand, 2-0.

Panglima lamang ang golfer natin na sina Jay Bay-ron, Michael Bibat, Gene Bondoc at Marvin Duman-dan sa men’s team event ng golf habang 6th sina Dottie Ardina, Cyna Marie Rodriguez at Ana Imelda Tanpinco sa womens’team event.

Hindi man sinuwerteng makakuha ng medalya, kuntento na rin ang cycling team sa 7th place ng men’s team sprint qualifying sa record breaking time na 50.095 seconds nina Jan Paul Morales, Paulo Ma-nipol at Edwin Paragoso.

ANA IMELDA TANPINCO

ANN CABRAL

ASIAN GAMES

BASADRE

CYNA MARIE RODRIGUEZ

DESEREE AUTOR

DORJI DOLMA

DOTTIE ARDINA

EDWIN PARAGOSO

TIPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with