^

PSN Palaro

Arellano naasahan ng Sista

-
Katulad ng dapat asahan kay Samigue Eman, hindi siya naging dominante sa kanyang kauna-unahang laro para sa Super Sealers.

Sa halip, muling binanderahan ni point guard Marcy Arellano ang Sista Super Sealants nang kumabig ng team-high 18 puntos para sa kanilang 77-69 paggupo sa Cebuana Lhuillier sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup kahapon sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.

Ang nasabing panalo ang nag-angat sa baraha ng Super Sealers sa 4-2 sa ilalim ng Ha-pee-PCU Teethmasters (5-0) at kasunod ang Mail & More Co-mets (3-2), habang natikman naman ng Moneymen ang kanilang ikalawang dikit na kabiguan para sa kanilang 2-3 rekord.  

 Dalawang charities ni Macky Escalona at isang three-point shot ni Don Dulay ang naglapit sa Cebuana Lhuillier sa 63-68 sa 2:22 nito bago ang tres ni Kelvin Gregorio na muling naglayo sa Sista sa 71-63 sa huling 1:23.

 Huling nakadikit ang Money-men sa 69-74 buhat sa freethrows nina Doug Kramer at Ken Bono sa nalalabing 24.3 segun-do kasunod ang split ni Arellano at basket ni Gregorio para sa 77-69 bentahe ng Super Sealers sa huling 16.2 tikada.

Nanalo naman ang TeleTech (3-2) kontra sa Magnolia (1-5) sa ikalawang laro.

CEBUANA LHUILLIER

DON DULAY

DOUG KRAMER

KELVIN GREGORIO

KEN BONO

MACKY ESCALONA

MARCY ARELLANO

MORE CO

SUPER SEALERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with