Tinalo ng 27 anyos na si Payla, tubong Cagayan de Oro, ang mas batang kalaban na si Jitender Kumar ng India sa pamamagitan ng Referee-Stopped-Contest-Out-classded (RSCO) may 1:23 pa ang oras sa ikatlong round.
Gayunpaman, pansamantala lamang ang kasiyahan ng mga Pinoy nang hindi naman sinuwerte si Anthony Marcial sa mas matangkad na kalabang si Galib Jafavor ng Kazakhstan, 27-12.
Maganda ang nagging panimula ni Antonio Gabica sa mens 8ball singles makaraang magwagi kay Gundsambuu Baatarchuluun ng Mongolia, 9-1 ng kanilang laban sa round of 32.
Kasalukuyang nakikipagtumbukan si Leonardo Andam kay Hoang Lan Nguyen ng Vietnam.
Umusad naman sa finals ng mens 200m breaststroke si Miguel Molina at inakay ang 4x100m medley relay team na kinabibilangan din nina Raul Arabejo, James Walsh, at Kendrick Uy.
Patuloy ang kampanya ng Pinoy jins na umaasang maisusukbit ang kauna-unahang medalya kahapon na kasalukuyang nakikipaghamok sa kanilang kalaban habang sinusulat ang balitang ito.
Sinamang palad din si Reynaldo Grandea na yumuko kay Anh Vu Duong ng Vietnam, 40-18 sa round of 16 ng mens carom singles.
Ang panalong ito ni Payla ay nagbigay sa kanya ng tsansang makapasok sa semis at pagkakataong makasuntok para sa silver medal sakaling manalo siya kay Bo Yang ng China na nanalo naman kay Lee Ok Su ng South Korea, 41-21 sa isa pang laban ng flyweight division.
Sa iba pang nakatakdang laro, papalo ang golf mens team nina Marvin Dumandan, Jay Bayron, Michael Bibat at Gene Bondoc, habang sa kababaihan naman ay sina Anya Tanpinco, Dottie Ardina at Cyna Marie Rodriguez.
Maglalayag din sina German Paz, Reneric Moreno, Ridgely Balladare at Rommel Chavez sa sailing samantalang makakalaban naman ng Philippines ang Thailand sa womens regu ng sepak takraw.
Susubukin din ni Patricio Bernardo ang kanyang kapalaran sa mens skeet shooting habang tutumbok sina Rubilen Amit, Mary Ann Basas sa womens 8-ball at Antonio Gabica at Leonardo Andam sa mens 8-ball.
Tutuon naman ang pansin sa equestrianne sa pagsakay nina Toni Leviste, Danielle Cojuangco at Paola Zobel sa showjumping.
Ang equestrianne ang nagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas noong 2002 Busan Asian Games na napagwagian ni Mikee Cojuangco-Jaworski.
Note: Isang atleta ang namatay kahapon na kasali sa individual cross country sa equestrian event nang madulas ang kanyang kabayo at malaglag at madaganan ng kanyang kabayo dahil sa madulas na venue sanhi ng walang tigil na pag-ulan dito. Ito ay si Hyung Chil Kim ng South Korea.