Ito ang desisyon ng PBA chief matapos nitong kausapin ang dalawang opisyal; na nagsuntukan sa harap ng publiko matapos ang 104-76 panalo ng Red Bull sa Tacloban Convention Center noong Huwebes.
Dalawang larong sinuspindi ang dalawa bukod pa sa multang hindi pa tinutukoy ni Eala.
Dahil dito, hindi masa-samahan ni Guiao ang kanyang Red Bull na nakatakdang makipagsa-gupa sa Welcoat sa ikala-wang laro ng kasaluku-yang PBA Philippine Cup na magpapatuloy sa Araneta Coliseum.
Inaasahang sasaman-talahin ng Dragons ang pagkawala ni Guiao sa alas-7:30 ng gabing sagu-paan pagkatapos ng la-ban ng Coca-Cola at Alas-ka sa alas-4:35 ng hapon.
Pagmumultahin rin si-na Talk N Text center Asi Taulava at Red Bull for-ward Carlo Sharma na nagpang-abot din sa na-turang laro.
"What they did was totally unacceptable. The punishment could have been stiffer but the two officials promised that they will never be involved in such incident in the future," ani Eala na nagsabing hin-di bababa sa P50,000 ang multa ngunit posible itong umabot ng P500,000 dahil sa bench clearing incident.
Sinabi ng commissio-ner na humingi sina Guiao at Lim ng dispensa sa liga, sa kanilang teams at fans sa kanilang inasal ngunit sinabi nilang mayroon silang dahilan kaya nila nagawa ito.
"Under PBA rules, pla-yers who were caught with-in the vicinity of the commo-tion will be fined P20,000 and non-players will be slapped P10,000," ani Per-ry Martinez, PBA technical head ng liga.