^

PSN Palaro

Wala pang suwerte ang Pinas sa Asiad

- Dina Marie Villena -
DOHA -- Hindi pa rin sumisikat ang araw para sa kampanya ng Philip-pines nang hanggang sa kasalukuyan ay bokya pa rin sa medalya ang mga Pinoy bagamat ilang be-ses nang kumatok sa pin-tuan ng medal tally sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 15th Asian Games dito.

Abot kamay na nina Markwin Tee at Tyrone Ongpauco ang bronze medal sa men’s doubles na sana ay nagpaning-ning sa makulimlim na pa-nahon ng Pilipinas ngunit sa bandang huli ay naka-wala pa rin sa kanilang kamay sa pagpasok ng ikalawang phase ng com-petition kung saan naghari ang Saudi Arabia duo.

Nagpagulong ang tambalang Tee at Ong-pauco na kabuuang 2,742 na sapat lamang para sa ikaapat na posisyon kung saan naghari ang Saudis sa kanilang naitalang 2,821 pinfalls.

Samantala, isa pang Pinoy boxer ang magpa-paigting sa kampanya ng Pilipinas ngayong araw na ito sa pag-akyat ni Fran-ces Joven sa ring, baga-mat mas nahaharap sa mabigat na pagsubok.

Ang 24 anyos na si Jo-ven, ay agad mapapasa-bak sa isang Thail boxer, na si Anghkan Chomphu-phuang sa welterweight division ng boxing compe-tition na magsisimula sa alas-2 ng hapon (alas-7 ng gabi sa Manila) sa Aspire Hall 5.

Sa Lusail shooting range, magpapaputok naman si Nathaniel ’Tac’ Padilla sa kanyang pabo-ritong men’s 25m rapid fire pistol sa ganap na alas-8 ng umaga.

Muling lalangoy sa Hamad Aqua Center ang mga Pinoy tankers para sa pang-umagang heat. Muling lalangoy si Fil-Am Erica Totten at Kendrick Uy sa women’s at men’s 100 m free, Denjylie Cor-dero sa women’s 200m breast, Miguel Molina sa men’s 200m individual medley at Marichi Gan-diongco sa women’s 800m free.

Sisimulan ng magka-patid na sina Kennivic at Kennie Asuncion ang kanilang kampanya sa badminton mixed doubles event sa kanilang pakiki-pagharap sa Malaysian duo na sina Koo Kien at Quay S. L. sa round of 32 sa Aspire Hall.

Sa Al Dana Indoor hall, magtatangkang buma-ngon sina International Masters Darwin Laylo at Ronald Dableo sa posib-leng GM norm habang ang batang babaeng chess player na si Jedara Docena ay makikipagla-ban naman sa kababai-han ng round 1 ng chess team event.

Magtutungo naman sa Lusail shooting range si Nathaniel ‘Tac’ Padilla sa kanyang pagbaril sa 25m rapid fire.

Tatlong events ang lalahukan ni Padilla, ito ay sa men’s 25m rapid fire, 25m standard pistol at 25m center fire pistol.

Ngunit kinukutuban ang multi-titled shooter na si Padilla lalo na sa mga shooters na galing ng Chi-na Korea at Kazahkstan.

Sa iba pang nakatak-dang laro ngayon, bubu-hat si Renante Briones sa men’s 105 kgs. category sa weightlifting event sa Al Dana Banquet Hall, ha-bang sasagwan naman sa men’s doubles sculls ang Pinoy duo sa rowing event sa West Bay Lagoon.

Nakatakda namang maglaban ang Philippine baseball team at Thailand sa Al Rayaan at papalo din ang men’s at women’s team sa tennis sa Khalifa Tennis and Squash Center.

AL DANA BANQUET HALL

AL RAYAAN

ANGHKAN CHOMPHU

ASIAN GAMES

ASPIRE HALL

DENJYLIE COR

FIL-AM ERICA TOTTEN

MEN

PADILLA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with