^

PSN Palaro

Ngayon lang uli sasalang ang Harbour Centre

-
Halos 17 araw nang namamahinga ang Harbour Centre ngunit naniniwala si head coach Jorge Gallent na hindi mawawala sa porma ang kanyang mga Port Mas-ters bunga ng matagal na paghihintay sa kanilang laro.

"That’s not always the case, it depends on the situa-tion," sabi ni Gallent sa Har-bour Centre na hindi nakalaro ang Cebuana Lhuillier noong nakaraang Huwebes bunga ng bagyong si "Reming".

 Tangan ang 2-1 rekord, sasagupain  ng Port Masters ang Toyota Otis Sparks nga-yong alas-4 ng hapon mata-pos ang labanan ng Mail & More Comets at Magnolia Spinners sa alas-2 sa elimi-nasyon ng 2006 PBL Silver Cup sa Letran College Gym sa Intramuros, Manila.

 Ibinabandera pa rin ng Hapee-PCU ang malinis ni-lang 5-0 baraha kasunod ang Sista Super Sealers (3-2), Port Masters (2-1), Mo-neymen (2-2), Comets (2-2), TeleTech Titans (2-2), Sparks (1-2), Spinners (1-2) at Kettle Korn-UST Pop Kings (0-5).

Ang panalo ng Port Mas-ters ang ganap na magbibi-gay sa kanila ng solong ika-lawang posisyon at ang kabi-guan naman nila sa Sparks ni Louie Alas ang magtatabla sa kanila sa Moneymen, Comets at Titans.

 Sa inisyal na laro, kapwa magtatangka ng kanilang ikalawang sunod na panalo ang Mail & More at Magnolia makaraang umiskor ng 65-58 panalo kontra Sista at 97-74 paggiba sa Kettle Korn-UST, ayon sa pagkakasunod. (RCadayona)

CEBUANA LHUILLIER

HARBOUR CENTRE

JORGE GALLENT

KETTLE KORN

LETRAN COLLEGE GYM

LOUIE ALAS

MAGNOLIA SPINNERS

PORT MAS

PORT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with